Chapter 7 -Daming istorbo-

2026 Words
David's POV Nakatitig lamang ako sa kanya habang lumalangoy sa dagat. Napatingin pa ako sa buong paligid ko upang makasiguro na kami na lang ngang dalawa ang natitira dito sa island resort ng pamilya namin. Wala naman akong nakita na kahit na sino kaya ibinalik ko ang paningin ko kay Allison na papaahon na at talagang hindi niya tinatakpan ang kanyang dibdib. Dinampot niya ang mga damit niya at naglakad papalapit sa akin. Hindi naman ako kumikilos dahil lahat na yata ng santo ay natawag ko na upang mapigilan ko ang pagnanasang kanina pa naghuhumiyaw sa pagkatao ko. "Excuse me," ani niya at sinadya pa niyang bungguin ang katawan ko ng hubad niyang katawan kaya pakiramdam ko ay nanghina ang aking mga tuhod at anumang oras ay bibigay na ako. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam kong sinasadya niya ito, katulad kung paano niya ako akitin sa tuwing pumapasok siya ng silid ko. Lately ay napapansin ko rin naman na napapadalas ang pagpapansin niya sa akin at alam ko na ginagamit na niya si Hunter upang pagalitin ako. Hindi ako magpapatalo at ipapakita ko sa kanya na wala siyang epekto sa akin. "Buti hindi ka nilalamig? Ang pangit pa naman ng katawan mo, para kang praying mantis, diretso lang na parang patpat na walang hubog at hindi kaakit-akit. Buti pa ang tipaklong may kurba pero ikaw, wala." Bigla siyang napahinto sa kanyang paglalakad at mabilis na pumihit pabalik sa kinatatayuan ko. Pagtapat niya sa harapan ko ay tinaasan ko pa siya ng dalawang kilay ko. "How dare you bully me like that, Kuya David! As a matter of fact, there are so many men who are desperate to impress me that they will say or do anything just to catch my attention." "Wow, ang dami naman pala ni Hunter. So dapat pala ang pangalan niya ay Hunters dahil marami siya, hindi ba?" Pang-aasar ko pa. "Kapal ng mukha mo! I hate you talaga! Iuwi mo na nga ako sa Manila, ayokong makita ang pagmumukha mo araw-araw, nakaka-umay ka na!" galit niyang ani sabay talikod niya sa akin kaya natawa ako. "Takpan mo 'yang katawan mo, kung inaakala mo na may epekto sa 'yan sa akin, pwes! Nagkakamali ka," wika ko sa kanya kaya muli siyang huminto sa paglalakad at humarap muli sa akin. "Wala akong epekto sa iyo? Bakit, bakla ka? Sa tingin ko bakla ka, kaya wala talaga akong epekto dahil ang gusto mo pala ay katulad mong gwapo," wika niya kaya nagtagis ang mga bagang ko dahil sa sinabi niya. Ako bakla? May bakla ba na mahilig kumain ng pempem? Nakita ko ang simple niyang pagngisi kaya pinakalma ko ang sarili ko at inalis ko ang galit na nararamdaman ko at saka ako umakting. "Hay naku beshie! Kung alam mo lang, minsan nga sinukat ko pa 'yong underwear mo. 'Yang suot mong 'yan, alam mo ba na ilang beses ko ng nasukat 'yang bikini na 'yan? Bagay sa akin beshie, nakakaloka!" wika ko sabay lakad ko na kumekendeng. Nilagpasan ko ang pagmumukha niyang gulat na gulat dahil hindi niya inaakala na makikipag matigasan ako sa kanya. Akala niya siguro ay papatulan ko ang ginagawa niyang pagpapagalit sa akin upang bumigay ako sa kanya. "Baka pulmunin ka beshie, ang nipis mo pa naman." "Kuya David bwisit ka talaga!" malakas niyang sigaw pero hindi ko na siya nilingon pa at ng makapasok ako sa pintuan ay nagtatakbo na ako papasok sa loob ng silid ko dahil naglalaway ako sa malulusog niyang dibdib at makurba niyang katawan. Nanginginig na ang mga tuhod ko kanina at gustong-gusto ko ng bumigay dahil mababaliw na yata ako habang naiimagine ko kung paano ko paglaruan ang korona ng dibdib niya sa bibig at dila ko. Para akong mababaliw, para akong masisiraan ng ulo at pabalik balik ako sa paglalakad ko dahil ang isipan ko ay nasa makurba niyang katawan. "Shiiiit!" malakas kong sigaw at pabagsak akong nahiga sa aking kama. "Kuya David! Buksan mo ang pinto dahil hindi pa tayo tapos mag-usap! Bwisit ka talaga! Iuwi mo na ako ng Manila dahil ayoko na dito." malakas niyang sigaw. Tinignan ko ang pintuan ko, hindi naman nakalapat kaya bakit kailangan niyang sumigaw? "Ay, bukas pala ang pinto," wika niya ng bumukas ito ng itinulak niya ito ng bahagya kaya palihim akong natawa. "Ano nakakatawa?" inis niyang ani. Hindi ko na lang siya pinansin at dumapa lamang ako at ipinikit ko ang mga mata ko. Ayoko siyang tignan dahil ayokong matukso at makagawa ng isang bagay na ikagagalit ng mga magulang ko. Magulang ko lang dahil hindi ko siya tanggap na kapatid. Tanggap ko lang siya kung magiging kami, pero kapatid? Never! Isang unang ang tumama sa likod ng ulo ko pero hindi ko siya pinansin at nakapikit pa rin ang mga mata ko. Bahala siya dahil ayoko siyang patulan. Dito muna kami para hindi siya malapitan ng Hunter na 'yon at baka mapatay ko lang siya dahil sa kalalapit niya kay Allison. "Kuya David umuwi na tayo ng Manila. Ayoko na dito." naiiyak niyang ani kaya idinilat ko ang mga mata ko at tumihaya ako upang pagmasdan siya. Naka t-shirt na siya pero bakas pa rin ang kanyang dibdib at wala pa rin siyang suot na panloob kaya napapailing na lamang ako. "Can I ask you a question?" tanong ko sa kanya. Tumaas naman ang isang kilay niya kaya napangisi ako ng pagak dahil naiinis ako sa pagtaas niya ng kilay niya sa akin. "Ano na naman ang tanong na walang kwenta?" ani niya. "Ganyan ba ang isinusuot mo kapag kaharap mo si Hunter?" tanong ko. Muli niya akong tinaasan ng kilay at namaywang pa sa harapan ko. "So, what kung humaharap ako sa kanya ng ganito lang ang suot ko? Nakita na nga niya ang lahat sa akin, kumbaga ay wala na akong maitatago pa sa kanya." Pagkarinig ko ng sinabi niya ay bigla akong napatayo at hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at itinulak ko siya sa kama kaya pahiga siyang bumagsak sa malaki kong kama. "Ulitin mo nga ang sinabi mo!" galit kong ani. "Joke lang! Galit agad?" wika niya. Bigla kong sinuntok ang wall dahil sa galit ko kaya dumugo ang kamay ko habang siya naman ay napatili ng malakas. "My god anong ginawa mo?" sigaw niya at mabilis niya akong nalapitan at hinawakan agad ang kamay ko. "Huwag na huwag mo akong bibiruin ng ganyan dahil sinasabi ko sa iyo Allison, papatayin ko ang lalaking 'yan sa harapan mo." Galit na galit kong ani sa kanya. "Ano ba kasi ang pakialam mo sa buhay ko ha? Ikaw nga kung sino-sino kinakalantari mo hindi kita pinapakialaman. Nuong isang araw lang narinig ko na naman sa silid mo na may humahalinghing pero hindi naman kita pinapakialaman, bakit pinapakialaman mo ako?" Natawa ako ng pagak at napapailing. Hinablot ko ang kamay ko na hawak niya at pumasok ako sa loob ng banyo upang linisin ang sarili kong sugat. "Nababaliw ka na talaga!" sigaw niya at narinig ko ang mga yabag niya na tumatakbo palabas ng aking silid. Pagkatapos kong hugasan ang sugat ko ay binendahan ko na agad ito. maliit lang naman at hindi ko naman ito ikamamatay kaya balewala lang ito sa akin. Nagpunta naman ako ng kusina upang tignan kung ano ang pwede kong maluto dahil maghahapunan na ay wala pa kaming pagkain. May laman naman ang fridge, ang freezer ay puno din ng pagkain. Kinuha ko ang binoculars na nasa ibabaw ng refrigerator at lumabas ako upang tignan ang yacht na nakikita ko sa dagat kanina. Alam kong mga tauhan ito ng aking ama o kaya naman ay sila Marcus na nagbabantay sa amin mula sa malayo. Pwede rin namang mga private army namin. Naglakad ako patungong tabing dagat at sinilip ko sa binoculars kung sino ang sakay ng yacht. Natawa ako dahil sila Owen ang sakay kasama ang marami nilang tauhan. Kumaway pa sa akin ang bugok kaya itinaas ko ang kamay ko at binigyan ko siya ng dirty finger at bumalik na ako sa loob ng rest house. Inabutan ko si Allison na nakaupo sa tapat ng table na nakapangalumbaba. Hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong magluto ng pwede naming kainin na pang hapunan. "Ano lulutuin mo?" tanong niya. "Grilled salmon," sagot ko naman at tumango lamang siya. Hindi ko na siya kinausap pa at pinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa. Mas madali akong matatapos kung hindi ko na lamang siya papansinin. "Do you have a girlfriend? Is the woman with whom you had s*x with in your room the day before your girlfriend or simply a thing? You know, a cure-all for lust." She inquired on the spur of the moment. "Why does it matter to you?" I replied. "I'm just curious because I see you hanging out with different women virtually every day. Don't you get tired of having s****l relations with them?" She said. "What I do with my life is none of your concern," I stated. "Good! That is the same message I want to convey to you right now. What I do in my personal life is not something you have the authority to meddle with. Got it?" She stated. That really made me laugh. "Gagawin ko kung ano ang gusto ko Allison. Kapag sinabi ko na lalayo ka sa lalaking 'yon, wala ka ng magagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ko kung ayaw mong paglamayan ang lalaking 'yon. Naiintindihan mo ba ako? May pa-got it, got it ka pang nalalaman. Got it ko pa ang mukha mo diyan, makita!" inis kong sagot sa kanya kaya sinibangutan niya agad ako at padabog siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "Sa labas magpapahangin ako, ayokong makita ang pagmumukha mo," wika niya kaya napapailing na lamang ako. Sinimulan ko na lamang ang pagluluto. Sa electric grill na lang din ako nagluto dahil ayokong lumabas at magluto sa grill. Dito na lang sa loob para mas mabilis. Hindi naman nagtagal ang pagluluto ko at nakapaghain na rin ako. Grilled salmon lang naman ang niluto ko at sinamahan ko ng grilled potato and carrots. Hindi kasi ako masyadong mahilig kumain ng rice, mas okay sa akin ang potato ang carrots dahil duon ako sanay. Pinuntahan ko naman si Allison at inaya ko na siyang kumain. Hindi naman siya nagreklamo at hindi rin nagsalita ng kahit na ano. Bago sa akin 'yon dahil sobrang daldal nito at laging naka kontra sa lahat ng sinasabi ko pero ngayon tahimik lang. Hindi ko naman pinansin ang pananahimik niya. Kumain lang kaming dalawa na akala mo hindi kami magkakilala. After naming kumain ay dumiretso na siya sa kanyang silid na akala mo ay may katulong at sa akin pa talaga iniwanan ang lahat ng pinagkainan namin dito. Langya naman talaga! Ako na nga ang nagluto at naghain, ako pa rin pala ang magliligpit at maghuhugas. Habang hinuhugasan ko ang mga kasangkapan ay nakarinig ako ng tunog ng helicopter na papalapit kaya napamura ako at inakyat ko ang baril ko sa itaas ng silid ko. Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Allison na natatakot at hindi alam ang gagawin. "Duon ka sa silid mo at ikandado mo ang pintuan. Huwag kang lalabas kahit na ano ang mangyari!" ani ko at isinukbit ko ang baril ko sa likuran ko at tumakbo ako sa labas ng rest house na dala ang aking flashlight na red upang ipang signal ko sana kila Owen. Pero natigilan ako ng habang bumababa ang helicopter ay unti-unti kong nakikilala ang mga sakay nito. "What the f**k!" malakas kong sigaw ng masayang tumatakbo papalapit sa akin si Jefferson ng makalapag na ang helicopter. Sa likod niya ay ang mga pinsan ko na sila Dazzle na may dala pang mga bote ng alak at maraming chips. "Bro, nandito ka pala, kung hindi pa namin tinawagan si Owen hindi namin malalaman na nandito ka lang pala," ani ni Dazzle. "Anong ginagawa ninyo dito?" inis kong tanong. "Bakit ka naiinis? Kasi hindi mo masasarili ang adopted sister mo?" wika nila sabay tawa nila ng malakas kaya sa inis ko at pinaghahampas ko sila ng mga hawak nilang chips. Bwisit talaga! Ang daming istorbo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD