David's POV
Inis na inis ako ng makita ko silang dumating. Inis na inis din ako kay Owen dahil sinabi niya kay Dazzle kung nasaan ako, kaya ngayon ay nandito silang lahat at ginugulo ang tahimik ko sanang buhay dito sa island resort.
"Mukhang hindi mo nagustuhan ang pagdating namin ah," ani ni Dazzle at inakbayan pa ako.
"Anong mukhang hindi ko nagustuhan? Hindi ko talaga nagustuhan mga bwisit kayo! Bumalik na nga kayo ng Manila dahil sinisira ninyo diskarte ko." Natawa naman sila sa sinabi ko habang ako ay inis na inis pa rin sa kanila.
"Nope! Dito lang kami at sasamahan ka namin para hindi ka naman malungkot kapag nag-aaway kayo ni Allison," ani ni Dazzle kaya naningkit ang mga mata ko sa kanya, pero kinibit balikat niya lang ako na may kasabay na pag smirk niya sa akin saka ako tinalikuran.
"Mga bwisit talaga kayo!" ani ko at malakas na tawanan lamang ang maririnig mula sa kanila.
"Kuya Dazzle, na miss kita. Bakit hindi ka yata madalas umuuwi ng Pilipinas? Nasaan si Ate Candice?" ani ni Allison.
"Well, busy kasi ako sa trabaho. Marami kasi akong responsibilidad kaya madalas wala ako dito pero may one-month akong free at kasama ko dito sa Pilipinas si Ate Candice mo. Ang anak naman namin ay naiwan sa America sa mga lolo at lola niya," wika ni Dazzle kaya I rolled my eyes dahil matatagalan pala ang pag stay ng mokong na ito dito sa Pilipinas.
"Mukhang hindi ka yata masaya na may isang buwan akong free time?" ani nito sa akin.
Hindi ko siya pinansin at naglakad lamang ako papuntang dalampasigan upang pagmasdan ang tahimik na karagatan. Naramdaman ko ang pagsunod nila sa kin at hindi ko naman sila nilingon. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako naiinis na nandirito sila, mas okay nga 'yon para hindi ako matukso kay Allison at baka makagawa pa ako ng hindi maganda na pagsisisihan ko sa huli.
"Zandro, huwag mong sabihin na pinapakinggan mo pa rin ang Dj na 'yan? Baka naman nai-in love ka na sa babaeng 'yan eh ang sabi mo ay nagsasama na sila ng kasintahan niya." Napatingin naman ako kay Zandro na may nakapasak na earphone sa kanyang tainga.
"Nirecord ko lang ito. Kagabi kasi ito, live siya at katulad ng dati, umiiyak na naman siya at nagsasabi ng masasakit na nararamdaman ng kanyang puso. Naaawa ako sa kanya pero ayokong ma-involve sa problema nila. Masyado lang akong nagagandahan sa kanyang boses. Kagabi nga ay kumanta siya pero saglit lang. Pakinggan ninyo ang boses niya, napakaganda," ani ni Zandro at inalis niya ang pagkakasaksak ng earphone sa phone niya at nilakasan ang volume.
"Para sa mga listeners ko, nandito na naman po si Dj. JCL na nagsasabing... Kapag sumosobra na, dapat ka ng bumitaw! Pero bakit ako ay hindi ko magawang bumitaw? Kasi po nagmamahal ang puso ko at naghihintay ng isang pagkakataon, na baka sakaling ang taong minamahal ng puso ko ay makita ang kahalagahan ko. Mahirap po ang pinag-dadaanan ng isang katulad ko na nagmamahal, pero binabale wala kahit na ba ibinigay ko na sa kanya ang lahat-lahat ng kaya kong ibigay. Wala na nga akong itinira sa sarili ko dahil para sa akin siya lang ang mundo ko. Para sa akin hindi ko kayang mabuhay kung mawawala siya sa akin. Ang tanga ko po 'di ba? Ganyan po talaga ang isang taong nabubulagan sa pagmamahal, nagiging tanga sa pag-ibig. Pasensya na po kayo kung naglabas na naman ako ng hinanakit sa inyo. Minsan po kasi nakakapagod na pero sa tuwing tatangkain kong bumitaw, hindi ko po talaga kaya. May caller po tayo sa lie one na gusto daw magbigay ng advice. Pakinggan po natin si Mister Z. Huhu, Si Mister Z pala ulit ito. Pakinggan po natin siya."
"Wake up, Dj JCL! You need to pack up your belongings and get the hell out of there. You are an angel and definitely not what he deserves. He is nothing but an asshole.
There are so many other guys out there that would treat you like the princess that you are and would help you flourish in life. Don't let your foolish love drive you insane. Instead, open your eyes."
"Ayan po ang mensahe sa ulit si akin ni Mister Z. Salamat po kung sino ka man na araw-araw na nagbibigay ng advice sa akin."
Lahat kami ay napatingin kay Zandro ng pinatay na niya ang phone niya kaya natawa na ito, pero kami ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.
"Problema ninyo?" ani nito sa amin.
"What the hell! Mister Z? Tang-na mo bro!" ani ko sabay tawa ko ng malakas.
"Grabe sa Mister Z. Akala ko ba hindi ka makikialam, bakit may patawag-tawag ka pang nalalaman ha?" ani ni Dazzle sa kanya.
"Hindi talaga ako makikialam sa kanila. Wala namang nakakakilala sa akin dahil
"Taga bigay lang ako ng advice sa kanya. Wala naman akong masamang intensyon. Nakakaawa na kasi siya dahil araw-araw na lang siyang umiiyak sa radio station na 'yan." Wika nito sa amin.
"Interesado ka ba sa kanya kaya lagi mo siyang pinapakinggan?" tanong ni Jefferson.
"Of course not! Tumigil na nga kayo at ihanda na lang ninyo ang iinumin nating alak at ihanda rin ninyo ang bonfire." Wika nito at tinalikuran na niya kami.
Ako naman ay bumalik na sa loob ng rest house, Nakasalubong ko si Allison ngunit hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lamang siya.
Naramdaman ko ang pagsunod niya pero hindi ko siya nilingon at dumiretso na ako sa itaas ng aking silid upang kumuha ng mamahaling alak sa loob ng aking personal refrigerator.
"Bakit hindi mo ako pinapansin? Kanina ka pa ah! Ano ba ang ginawa ko sayo para magalit ka? Kung tutuusin nga dapat ako ang magalit sa iyo dahil umalis ang mga kaibigan ko dahil sayo," ani niya pero hindi ko siya nililingon. Bahala siya sa buhay niya dahil wala ako sa mood makipagtalo sa kanya.
"Kuya David!" malakas niyang sigaw kaya sa inis ko ay bigla ko siyang hinablot at siniil ko siya ng halik na ikinagulat niya. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko kaya bigla ko siyang binitawan.
"Shiiiit!" Malakas akong napamura at napatingin ako kay Allison. Hawak niya ang kanyang labi habang titig na titig sa akin. Muli ko siyang nilapitan at siniil ko siyang muli ng halik habang ang isa kong kamay ay unti-unting humahagod sa kanyang kaselanan,
"Fuuuck!" muli kong mura at binitawan ko siyang muli. Napapailing ako at hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Masyado akong nadadarang sa tuwing mapapalapit siya sa akin kaya tumalikod ako at iniwanan ko siyang mag-isa sa aking silid.
Halos patakbo na akong bumaba ng hagdanan. Hindi ko na rin nadala ang kinuha kong alak sa refrigerator dahil ayokong magtagal sa silid ko at baka kung ano pa ang magawa ko kay Allison.
Nakasalubong ko si Darwin na nagtataka ng makita niya akong tumatakbo pababa ng hagdanan. Napakunot noo siya at tinawag niya ang pangalan ko kaya napahinto naman ako.
"May problema ka ba?" ani niya.
"Tumatakbo lang may problema na agad? Naghahanap ako ng alak, akala ko mayroon ako sa silid ko. Dito na lang ako kukuha sa ibaba para madagdagan ang dala ninyong mga inumin," wika ko kaya napatango siya.
"Pupunta lang ako ng silid ko para magpalit ng damit, susunod na rin agad ako sa inyo," wika niya kaya tumango lang din ako sa kanya at nagtungo na ako ng kusina.
Ilang bote ng alak ang kinuha ko at nagmamadali na akong lumabas. Mas mabuting kasama ko ang mga pinsan ko bago pa ako matukso ni Allison. Hindi ko maunawaan ang sarili ko. Sa dinami-dami ng mga naikama ko, bakit kay Allison pa ako nakakaramdam ng sobrang pananabik?
"Kailangan ko ng babae," ani ko sa mga pinsan ko.
"Kailangan mo pa bang sabihin sa amin 'yan ha David? Hindi ba at halos araw-araw naman ay iba-ibang babae ang ikinakama mo?" ani ni Dazzle.
"Mainggit kayo, libangan ko sila at sila ang pumupukaw ng init na nararamdaman ng katawan ko," wika ko sa kanila. Bigla namang natawa si Dazzle sa sinabi ko kaya binato ko siya ng buhangin sa katawan. mas lalo siyang natawa sabay iling pa nito ng muli itong magsalita.
"So, nag-iinit ka ngayon kaya naghahanap ka ng babae? Bakit nadikit ba sa katawan mo ang balat ni Allison kaya nagkakaganyan ka?" ani ni Dazzle. Natawa lamang ako at napatingin ako sa karagatan at kita mula dito ang yacht na sinasakyan nila Owen.
"Tignan mo ang mga gagong 'yon, sigurado akong naghahanap na rin ang mga 'yan ng babaeng maikakama nila," wika ko sabay tawa ko ng mahina.
"So, tama nga ang hinala ko na nag-iinit ka ngayon dahil kay Allison? Wala namang masama kung gusto mo siya dahil unang-una ay hindi kayo magkadugo. Legal man siyang ampon ay hindi pa rin kayo magkadugo," wika nito pero natawa lang ako at napailing.
"Wala akong interes sa kanya, hindi ang katulad niya ang kababaliwan ng puso ko. Malayong-malayo siya sa mga babaeng nagugustuhan ko," wika ko pero hindi sila sumagot dahil nakatitig lamang sila sa likuran ko. Napakunot noo naman ako at bigla akong lumingon sa likuran ko. Nagulat ako ng makita ko si Allison na nakatayo at masamang nakatitig sa akin.
"Sa tingin mo type din kita? Ang layo mo kay Hunter kaya kahit kaylan ay hindi rin kita magugustuhan. Ang pangit mo na ang pangit pa ng ugali mo! Ang pangit mo!" sigaw niya sabay takbo palayo.
"Lagot ka, magsusumbong na 'yan sa daddy ninyo," pang-aasar ni Dazzle kaya binato ko siya ng chips at natawa ako ng pagak.
Natahimik naman ako, hindi ko naman kasi alam na nasa likuran ko pala siya. bakit ba kasi pasulpot-sulpot ang babaeng 'yon, kung ano-ano tuloy ang naririnig niya na hindi naman dapat.
"Affected ka noh?" ani ni Jefferson.
"Of course not! Ano naman ang pakialam ko kung marinig niya ako? Totoo naman ang sinabi ko kanina, ang layo-layo niya sa mga babaeng nagugustuhan ko," wika ko.
"Iba kasi ang nakikita namin sa sinasabi ng bibig mo," ani naman ni Rouge.
"Akala lang ninyo 'yan pero wala talaga akong pakialam kahit narinig man niya ang mga sinabi ko," wika ko.
Sa totoo lang ay gusto ko ng puntahan si Allison dahil alam kong masama ang loob nito sa mga narinig niya, pero kung gagawin ko 'yon ay parang pinatunayan ko na rin sa mga pinsan kong ito na tama sila.
hahayaan ko na lang muna siya at baka bukas ng hapon ay bumalik na rin kami ng Manila. Mas okay ng nanduruon kami para naman hindi ko siya masyadong nakikita. Masyado na akong naaapektuhan ni Allison kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan upang kahit papaano ay makaiwas ako sa tukso. Parang nag-aalab ang katawan ko sa tuwing madidikit ako sa kanya. Katulad ng nangyari kanina na hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at nasiil ko siya ng halik. Hindi lang isang beses dahil dinalawa ko pa.
"Sabi ko naman sa inyo affected talaga 'yan." Bigla akong napalingon sa mga pinsan ko at napakunot pa ang noo ko dahil hindi ko nauunawaan kung ano ang pinagsasasabi nila. Malakas na tawanan naman ang pinakawalan nila kaya napapailing na lamang ako sa kanila.
"Alam mo ba na kanina ka pa namin tinatanong kung may ice ka ba sa loob pero ang layo ng iniisip mo dahil kahit ilang beses ka naming tanungin ay hindi mo naman kami naririnig," ani ni Braxtyn.
"Ice, yeah may ice sa loob," bigla kong ani kaya malakas na tawanan ang umugong mula sa kanila.
"Magsitahimik nga kayo mga sira ulong ito!" malakas kong sigaw pero para lang silang nananadya na hindi tumitigil sa malakas na pagtawa nila.
Totoo naman ang sinabi nila na apektado naman talaga ako pero hindi ko lalapitan si Allison dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mabuti pa nga sigurong umuwi na lamang kami bukas ng Manila upang makaiwas ako sa tukso na hatid ng adopted sister ko.