Chapter 27 -Huli, pero hindi kulong-

2035 Words

❀⊱Allison's POV⊰❀ Habang kumakain kami ay lumapit naman sa amin ang isang lalake na may dalang cooler. Ito yata ang pinaka gwapo sa kanila at nakasuot ito ng baseball cap. "Guys, siya nga pala si Tyler, driver namin," ani ni Walton. Biglang nag-angat ng mukha si Gwenett at makikita sa mukha niya ang matinding pagkagulat. "Tyler?" gulat na ani nito. Maging ako ay nagulat. Ito pala ang Tyler na sinasabi niya na ex-boyfriend niya. Napatingin pa si Gwenett sa kanyang kuya na busy naman sa pag-inom ng beer at nakatingin lang sa karagatan. "Magkakilala na pala kayo?" ani ni Walton. "Yeah, kapatid ng amo ko dati na si Lance, hindi ba Sir Lance?" malamig na sagot nito. Sa sobrang lamig, pati ako kinilabutan. Hindi naman makakibo si Gwenett lalo pa at hindi naman siya tinitignan ni Tyler. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD