┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Tatlong araw ng tulog si David. Lahat sila ay nagsasalit-salitan sa pagbabantay maliban na lamang kay Allison na nananatili sa hospital at hindi iniiwan si David. Mayamaya ay nakarinig sila ng ungol kaya biglang napalingon si Noah at nilapitan ang kanyang kapatid. Tinitigan niya ang mukha nito at napatingin siya sa mga taong kasama niya na natutulog pa. Alas singko pa lang ng umaga kaya mga kasama niyang nagbabantay ay mahimbing pa ang pagkakatulog. "Ugghh.." muling tinig na maririnig mula kay David kaya hinawakan ni Noah ang kamay ng kanyang kapatid upang iparamdam dito na nasa tabi lamang siya nito. "David, naririnig mo ba ako?" mahinang bulong ni Noah upang hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay. "Ba-Bakit hindi ko maigalaw ang mga binti ko?" nahihirapang ani ni