Chapter 3

1454 Words
Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko kay Allison, ayokong isipin niya na minamanyak ko siya. Tigas naman kasi ng ulo niya, sinabi ko ng hindi siya aalis pero hindi naman nakikinig sa akin. "Ano ba ginagawa natin dito?" tanong sa akin di Darwin. Nandito kasi kami ngayon sa rooftop ng isa sa hotel na pag-aari nila Darwin dahil gusto kong mag-swimming. "Gusto kong mag-dive ng isang beses tapos aalis na tayo, sa bar naman tayo tutuloy pagkatapos kong maligo." ani ko sa kanya. Napapailing naman ito sa akin ngunit hindi ko na lang pinansin. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon kaya naman gusto ko munang makaiwas kay Allison. "Sabihin mo nga sa akin kung ano ang problema mo." ani niya sa akin. Hindi ko naman ito kinibo at nag-dive na lang ako sa malaking pool. Sumisid ako ng sumisid dahil gusto kong makalimutan ang nangyari sa silid ko kahapon. Pag-ahon ng mukha ko sa tubig ay nagulat ako ng makita ko si Ate Maya kasama niya si Allison na naka-bathing suit. Si Ate Maya ang panganay na kapatid ni Darwin. "Anong ginagawa ninyo dito ha Ate Maya?" nagtataka kong ani dito. Napakunot naman ang noo niya sa tanong ko at sinagot agad ako nito. "Ako lang naman ang may-ari ng hotel na ito!" wika niya na nakakunot pa rin ang noo sa akin. Natawa ako ng mahina at napakamot sa ulo habang tumatawa naman ng malakas si Darwin. "I mean, bakit magkasama kayo ni Allison?" ani ko dito at umahon na ako habang hindi naman makatingin sa akin ang aking adopted sister. Sinalo ko ang tuwalyang hinagis sa akin ni Darwin at nagtuyo ako ng aking katawan sa harapan mismo ni Allison na hindi naman makatingin sa akin. "Kahapon pa namin napagplanuhan na mag-swimming ngayon." ani sa akin ni Ate Maya. Hindi na ako kumibo pa at tinignan ko lamang ang kabuuan ni Allison na nakasuot ng pulang two-piece at napakunot ang aking noo. "Bakit ganyan ang suot mo ha?" naiinins kong tanong. Natawa naman si Ate Maya at si Darwin na ikinasalubong ng aking mga kilay. Ano ba naman kasi ang nakakatawa sa tanong ko? Magsasalita pa sana akong muli ng may humahangos na papalapit sa kinaroroonan namin at nag-isa ang kilay ko ng makilala ko ito. The hell! Anong ginagawa ng tukmol na ito dito? "Anong ginagawa mo dito Hunter?" tanong ko habang masama ang tingin ko dito, mabilis naman itong lumapit kay Allison at ng akma na niya itong hahalikan sa pisngi ay mabilis kong hinila si Allison. "Gusto mong basagin ko ang nguso mo ha?" galit kong ani dito na ipinagtaka naman nila. Hindi nakakibo si Hunter at panay lamang ang tingin kay Allison habang ako naman ay tinititigan ko ito ng masama. "I invited him, nanliligaw siya kay Alli kaya walang masama kung nandito siya. Bakit ka ba nagagalit ha David?" wika naman ng kapatid ni Darwin. Hindi ako kumibo pero hindi rin ako umaalis sa tabi ni Allison. Kasunod namang nagdatingan ang mga kaibigan ng aking adopted sister na sina Ashleigh, Gweneth at Nicole. Mabilis na inalis ni Allison ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang braso at tinakbo nito ang mga kaibigan niya na tuwang-tuwa ng makita siya. "Finally! Makakapag-relax din tayo!" ani ni Gweneth. Napangiti ito ng makita si Darwin habang si Darwin naman ay nagpapa-cute na sa kaibigan ni Allison. Napatingin naman ako sa kaibigan niyang si Ashleigh na panay naman ang pag-sulyap sa akin. Napailing na lamang ako ng aking ulo at naupo ako sa sun lounger na nasa paligid ng pool. "Akala ko ba aalis na tayo after mo mag-dive sa tubig? Tara na!" ani sa akin ni Darwin ngunit sa halip na pansinin ko ito ay isinuot ko lang ang aking sunglasses at ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa likod ng aking ulo at lihim kong pinagmamasdan ang bawat kilos ni Allison. "Sabi ko na nga ba!" pang-aasar ni Darwin. Hindi ko pa rin ito pinapansin at nakatingin lamang ako kay Allison. Inutusan ko ang mga tauhan ko na ikuha na lamang kami ng maiinom ni Darwin, dito na lang kami magpapalipas ng oras tutal naman ay papagabi na rin naman. Pinapanuod ko lang sila na naliligo habang naghahabulan sa tubig. Si Hunter naman ay nakaupo lamang sa tiles sa gilid ng pool habang panaka-nakang tumitingin sa akin. Kung iniisip niya na aalis ako ay nagkakamali siya. "Bakit ka ba naka sunglasses eh madilim na?" ani sa akin ni Ate Maya. Inalis ko naman ang aking sunglasses at tumingin ako dito. "Inaantok kasi ako." tugon ko at naupo naman siya sa isang sun lounger at ipinikit din ang kaniyang mga mata. "Hinihintay ko ang boyfriend ko, parating na daw kaya dito muna ako habang wala pa siya." ani niya na tinanguan ko lang. Hindi na ako kumibo pa at tumungga na lamang ako ng alak na hawak ko. Napatingin ako sa pool ng may marinig akong tumalon dito. "Habulin ninyo ako!" malakas na tawa ni Gweneth habang nagsimula na ito sa kaniyang pagsisid. Napatingin ako kay Darwin ng bigla itong umupo mula sa pagkakahiga at matamang pinagmamasdan lamang ang kaibigan ni Allison. Napalingon naman kami sa taong paparating na agad namang sinalubong ng kapatid ni Darwin. "Sus! Nandito pala ang tukmol na jowa ng ate ko!" naiinis nitong ani. Natawa ako ng mahina pero bigla din akong natahimik ng pagtingin ko sa pool ay nasa tubig na si Hunter at nakapalupot pa ang mga kamay nito sa baywang ni Allison kaya mabilis akong nag-dive sa tubig at agad akong sumisid at dumaan sa pagitan nila sabay angat ng aking ulo. "Kuya David," ani ni Allison. Tinitigan ko ng masama si Hunter at nakaramdam naman ito ng takot sa akin. Dapat lang siyang matakot dahil isa lang naman akong Hendrickson. "Kung ayaw mo pang umuwi umayos ka Allison!" bulong ko dito na ikinainis niya. "Ang OA mo talaga! Nakakainis ka na Kuya David!" sigaw niya sa akin. Mabilis itong umahon sa tubig at padabog na kinuha ang kaniyang robe at naglakad ito patungong elevator. "Saan ka pupunta ha?" galit kong ani dito habang kasunod niya lamang ako sa kaniyang likuran. Pagpasok niya ng elevator ay pumasok din agad ako at mabilis kong pinindot ang closed button kaya agad din itong sumara. Agad ko siyang isinandal sa dingding ng elevator na ikinagulat niya at idinaiti ko ang aking labi sa kaniyang tenga habang pababa ito sa kaniyang leeg. Naramdaman ko ang pagkagulat niya at ang panginginig ng katawan niya ngunit hindi naman niya ako tinutulak palayo sa kaniya. "Ayokong makikitang pumupulupot sa katawan mo ang Hunter na 'yon, nagkakaintindihan ba tayo ha?" bulong ko dito. Hindi ito sumagot at isang malakas na tulak ang ginawa niya sa akin ngunit bahagya lamang akong natinag. Bumukas ang elevator kaya mabilis akong humiwalay sa kaniya. "Kuya David, huwag mo akong pakialaman sa gusto ko!" galit niyang ani sabay labas ng elevator kaya nakasunod lamang ako dito. "Sino ka para pigilan ako ha?" naiinis kong sagot dito at pumasok siya sa isang silid ng hotel at ng isasara na niya ang pintuan ay mabilis kong hinarang ang aking katawan kaya nakapasok agad ako at ako na din ang nag-lock nito. Nakatitig lamang siya sa akin habang ako naman ay pinagmamasdan ko ang katawan niya na nakasuot ng robe ngunit hindi naman nakatali kaya kitang-kita niya ang kabuuan ng katawan nito. "Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo ha Kuya David?" ani niya sa akin. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at tinanggal ang suot niyang robe. Hinimas niya ako sa aking pisngi pababa sa aking dibdib. Shiiit! Alam na alam niya kung paano ako gantihan sa mga panunuksong ginagawa ko sa kaniya. "Allison..." bulong ko sa kaniyang pangalan. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin na halos magdikit na ang aming mga labi kaya napapalunok ako ng aking laway. Pakiramdam ko tuloy ay tuyo't na tuyo't ang aking lalamunan. "Kumakatok na si Kuya Darwin." bulong niya na tila hindi ko narinig habang pakiramdam ko gusto ko na siyang hubaran. Inilayo niya sa ang mukha niya at muling isinuot ang robe at tumawa ng may kalakasan at tinungo na ang pintuan at para akong natauhan ng marinig ko ang boses ni Darwin. "Nag-aaway na naman ba kayo ha? Pabayaan mo na kasi sila, ganiyan talaga ang mga nagliligawan!" ani ni Darwin at naupo pa ito sa sofa. "Magbihis ka na at iuuwi na kita! Ngayon na Allison!" malakas kong sigaw dito at padabog itong pumasok ng banyo at malakas na isinara ang pintuan. Umupo ako sa tabi ni Darwin habang napapailing lamang ang pinsan ko. "Hay naku David! Hirap talaga kapag tumibok ang puso!" bulong nito sabay tawa ng mahina kaya sa inis ko ay siniko ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD