Chapter 2

1953 Words
Allison's POV -After four years- Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang unang pagtatagpo namin ni Kuya David. Mga panahong napaka-inosente ko pa dahil hindi ako nakapag-aral kaya hindi ko naiintindihan nuon ang maraming bagay. Pinag-aral ako nila mommy, kinuha muna nila ako ng tuitor at pagkatapos ay nag home school ako. Then sinubukan nila akong ipasok sa isang pribadong eskwelahan at sabi nila sa akin nuon ay napakatalino ko daw kaya na-grant ako ng special request para dumiretso na ako ng college. Minsan natatawa ako kung bakit nasabi nilang matalino ako samantalang hindi ko nga makalimutan ang katangahan ko nuong dinamba ko sa likod si Kuya David dahil akala ko sinasaktan niya 'yung babae kaya umuungol ng malakas. Umuungol naman pala 'yon dahil sa sarap. Habang nasa balcony ako ng aking silid ay nakita kong papasok ng bakuran ang sasakyan ni Kuya David kaya tuwang-tuwa ako ng muli ko siyang masilayan. Dalawang linggo siyang nawala at hindi ko alam kung saan siya nagpunta, baka magkasama sila ni Kuya Daz sa loob ng dalawang linggo. Mabilis akong humarap sa salamin at pagkatapos ay nagtungo naman ako ng banyo upang maghilamos at mag-ayos ng buhok. Nagpalit na rin ako ng damit dahil nakapang-tulog pa ako, isang short na malambot ang tela at isang crop top ang isinuot ko. Narinig ko ang pag click ng pintuan sa tapat ng aking silid kaya naman nagmamadali akong nag-ayos at pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng silid ni Kuya David. "What are you doing here?" he asked. Nakikita ko ang pagkainis niya sa akin pero balewala naman sa akin. "Wala lang! Bakit ang tagal mong nawala ha? Saan ka nanggaling?" tanong ko kay Kuya David. Tinignan ko ang maleta niya na nakabukas na at nakakalat na ang mga damit sa sahig. "None of your business! Lumabas ka na nga at gusto kong magpahinga!" wika niya na tila ba naiinis. Humiga ito ng patihaya sa kaniyang kama at ipinikit nito ang kaniyang mga mata, napangiti ako at bigla akong umupo sa kaniyang ibabaw na ikinagulat niya. "The f**k!" mura niya sabay tayo kaya nalaglag ako sa sahig. Napahawak ako sa aking pang-upo ng tumama ito sa sahig kaya nakakunot ang noo kong tinitigan ito ng masama at pagkatapos ay parang walang nangyari at ngumiti lang ulit ako sa kaniya. "What do you think you are doing huh?" galit na ani nito sa akin. Nginusuan ko lang ito at padabog akong naupo sa kaniyang kama. Nakikita ko ang pamumula ng kaniyang mukha kaya napangisi ako sa kaniya. "Bakit ka namumula? Nagustuhan mo siguro 'yung ginawa ko noh?" pang-aasar ko dito. Mabilis niya akong hinawakan sa braso at halos hilahin na niya ako palabas ng kaniyang silid. Iwinaksi ko ang kaniyang kamay at pagkatapos ay nagtatakbo ako sa loob at palundag akong nahiga sa kaniyang kama at nagtalukbong ako ng kumot. "Matutulog ako sa tabi mo, kapag ayaw mo akong matulog dito, maghuhubad ako sa harapan mo." wika ko sa kaniya at hinablot naman niya ang kumot na nakataklob sa akin kaya mabilis niya itong natanggal at pagkatapos ay tinitigan niya ako ng masama at naglakad patungong pintuan ng kaniyang silid at huminto ito pagkabukas ng pinto. "Malakas siyang sumigaw na tinatawag si mommy at daddy kaya naman napatayo ako at mabilis akong kumaripas ng takbo papasok ng aking silid. Bwisit 'yon at isusumbong pa ako kila mommy eh inaasar ko lang naman siya. Narinig ko ang malakas na pag-sara ng kaniyang silid kaya napanguso ako at nagdabog habang papalapit ako sa aking kama. Bakit ba lagi na lang niya akong iniiwasan? Ano ba talaga ang problema ng mokong na 'yon sa akin? Mayamaya lamang ay tumunog ang aking telepono, napatingin ako dito at may malaking ngiti na sumilay sa aking labi ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin kaya agad ko din itong sinagot. "Hi, Hunter! What's up?" ani ko dito sa nasa kabilang linya. "I am going to have lunch with Nicole and Ashleigh, want to join us?" ani nya sa akin. Tamang-tama may gusto din akong bilhin sa mall at ayokong gumalang mag-isa kaya mabilis akong pumayag dito at tinapos ko na agad ang aming pag-uusap. Si Hunter Richards ay anak ng kaibigan ni mommy at daddy at nanliligaw ito sa akin, gwapo naman siya at matipuno pero mas di hamak na mas gwapo si Kuya David. Mabilis akong nagbihis, nagsuot ako ng short skirt na kulay puti at crop top na kulay itim at nagsuot ako ng itim na high heels na boots. Nilugay ko ang mahaba kong buhok na wavy at nag-apply ako ng make up. Nang masiyahan ako sa aking nakikita sa salamin ay mabilis akong lumabas ng aking silid, Paglabas na paglabas ko ng pintuan ay siyang bukas naman ng pintuan ng silid ni Kuya David at napahinto ito sa aking harapan at pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. "Where do you think you are going?" tanong niya sa akin ng nakakunot ang kaniyang noo kaya naman inirapan ko ito at ginaya ko ang sinabi niya kanina sa akin. "None of your business!" Nakanguso kong ani sabay belat ko sa kaniya. Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad na ako ng bigla naman niya akong hinablot sa aking braso. "You are not going anywhere kaya bumalik ka sa silid mo at magpalit ka ng damit mo." Galit niyang ani sa akin pero inalis ko lang ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso at inirapan ko ulit ito. "May date kami ni Hunter kaya hindi mo na ako mapipigilan pa." wika ko sa kaniya habang umiikot ang aking mga mata. Pagkarinig niya ng aking sinabi ay mabilis niya akong binuhat na animo isang sakong bigas na ikinarga sa balikat niya at dinala niya ako sa kaniyang silid kaya nagsisisigaw ako sa sobrang inis na nararamdaman ko. "Ibaba mo ako! May lakad ako kaya ibaba mo sabi ako!" Galit kong sigaw dito ngunit hindi niya ako pinansin at inilock niya ang kaniyang silid at pagkatapos ay inihagis niya ako sa kaniyang kama na ikinatili ko ng malakas. "Diyan ka lang at hindi ka aalis!" galit na ani niya sa akin kaya sa inis ko ay mabilis akong tumayo at tumakbo sa pintuan, pero kahit anong pihit ko ng seradura ay hindi ko ito mabuksan kaya napapangisi lang sa akin si Kuya David. Lumakad ito papasok ng kaniyang banyo habang sumisipol-sipol pa habang ako naman ay sigaw ng sigaw dahil hindi ako makalabas. "Mommy ni-lock ako dito ni Kuya David, papatayin niya ako, tulungan n'yo ako." malakas kong sigaw habang tumatawa na ng malakas ang damuho kong kuya-kuyahan. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga mabuksan ang pintuan at kahit anong sigaw ko ay wala ding nakakarinig sa akin sa labas dahil soundproof ang silid ni Kuya David kaya maiyak-iyak na ako sa inis dahil sigurado akong kanina pa ako hinihintay ni Hunter at ng mga kaibigan ko. Tumunog ang telepono ko kaya napatingin ako sa aking pouch na nahulog sa kama at pagkatapos ay napatingin din ako kay Kuya David na nakatingin din sa aking pouch kaya naman mabilis akong tumakbo upang kuhanin sana ito pero mas mabilis si Kuya David kaya siya ang nakakuha ng aking phone. "Ibigay mo sa akin 'yan! Isusumbong kita kay daddy." galit kong ani dito ngunit nginisihan lang ako nito at inilagay niya ang aking phone sa loob ng kaniyang vault. Bagsak ang balikat kong napaupo sa gilid ng kama at napapaiyak na ako pero hindi ako pinapansin ng sira ulo kong fake brother Paglabas niya ng banyo ay nakatapis lamang ito sa gawing ibaba kaya biglang nanlaki ang aking mga mata at ang itim ng aking mga mata ay palihim itong sinusundan habang pumapasok ito sa loob ng kaniyang walk-in closet. 'Shemay bakit ang macho ng tukmol na 'yon?' bulong ng isip ko habang palihim akong nakangiti. Pagbukas ng pintuan ng closet ni kuya ay napatingin ako dito, nakangisi lamang ito habang naglalakad papalapit sa akin. Agad akong tumayo upang sigawan sana ito pero pagtayo ko ay na-out balance ako kaya napahawak ako sa kaniyang t-shirt na suot habang ako naman ay bumagsak sa higaan ng nakatihaya at dahil nahablot ko ang t-shirt niya sa gawing dibdib niya ay bumagsak siya sa ibabaw ko. Hindi ako makahinga ng magdikit ang katawan namin lalo pa at lumilis ang aking skirt, nakatitig sa aking mukha si Kuya David at pati labi ko ay tinitigan din niya. Naramdaman ko ang isa niyang kamay na humagod sa aking hita papataas kaya nanlaki ang aking mga mata, hindi ko maintindihan kung bakit sa halip na magalit ako dito ay nagugustuhan ko pa ito, napapikit ako ng aking mga mata ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking hiyas at halos mabingi na ako sa lakas ng t***k ng aking puso, alam kong naririnig niya ang pagtibok ng aking puso pero naririnig ko din ang malakas na t***k ng puso niya. Idinikit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha, sumayad ng bahagya ang kaniyang labi sa aking labi pero hindi naman niya ako hinahalikan, nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag, hinimas niya ang aking p********e kahit may suot akong panty, napaliyad ako ng hindi ko sinasadya at naramdaman ko ang pagkiskis niya ng kaniyang halimaw sa aking katawan, bigla akong kinabahan ng maramdaman ko ang paninigas nito kaya napadilat ako ng aking mga mata. "A-Anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong dito. "You like it? I can go deeper." ani naman niya sa akin, napalunok ako at hindi ako makasagot, alangan namang sabihin kong oo sige, go deeper. Hindi naman pwede 'yon noh. Gumalaw siya ng bahagya at itinapat niya ang kaniyang halimaw sa aking p********e na ikinagulat ko. Inalis niya ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking hiyas habang titig na titig siya sa aking mukha. Pumikit akong muli dahil nagugustuhan ko ang pagkiskis niya ng kaniyang halimaw sa ibabaw ng aking hiyas. Hindi ko maintindihan pero may mga ungol na tila ba gustong umalpas sa aking bibig kaya kinagat ko na lamang aking labi upang hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. Naramdaman ko ang medyo bumibilis niyang kilos at bigla din niyang hinapit ang aking baywang ng isa niyang kamay at mas idiniin pa niya ang kaniyang halimaw sa akin habang ikinikiskis niya ito. Napapaungol ito ng mahina kaya mas lalo tuloy akong nasasarapan, butil-butil na ang pawis ko kahit na ba malamig sa silid niya dahil sarap na sarap ako sa ginagawa niya ng bigla na lamang itong tumigil at napamura. Bigla itong tumayo mula sa pagkakadagan sa akin at tinitigan akong muli sa aking mukha at parang tanga na bigla na lang sinabutan ang sarili. "Shiiit! malakas niyang mura at agad na tinungo ang banyo habang naiwan naman akong natutulala at hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyari at hinayaan namin na magkaganoon. Pero aaminin ko, nagustuhan ko ang ginawa niya, nasarapan ako sa kung ano ang ginagawa niya sa akin. Napahawak ako sa aking kaselanan at pakiramdam ko ay nakadikit pa rin dito ang kaniyang galit na galit na halimaw. Ganoon pala ang pakiramdam ng nabibitin, ngayon ay naiintindihan ko na siya. Narinig ko ang pag-click ng pintuan ng silid ni Kuya David kaya napatingin ako dito, may pindutan siguro sa loob ng kaniyang banyo. Tumayo ako at tinungo ko ang pintuan at tama nga ang hinala ko na bukas na ito, muli akong napatingin sa nakapinid na pintuan ng kaniyang banyo at napabuntong-hininga ako at tuluyan na akong lumabas. Hindi na lang ako umalis, pumasok na lang ako ng aking silid at pagkatapos ay ikinandado ko ang aking pintuan at muling binalikan ng aking isipan ang nangyari sa amin ni Kuya David sa kaniyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD