Own Me, Mr. Playboy! Chapter 14 DAHIL naroon na rin naman ang mag-inang Catriona at Piero sa mansion ng mga de Gracia kaya inimbitahan na lang sila ng parents ni Trever na doon na lang maghapunan. "Ah hija, maaari bang dalas-dalasan ninyo ang pagpasyal dito. Maaari ba? Nagiging buhay kasi ang tahimik naming bahay kapag narito kayong mag-ina. Kung nais nga ninyo ay bukas itong bahay namin para sa inyo. You can move in here anytime you want, Catriona." Parang emosyonal ang Ina ni Trever habang hinahatid palabas ang mag-inang Catriona at Piero. Nauna na sa may foyer si Trever at walang imik na pinapanood sila nito habang maayos silang nagpapaalam sa parents at kapatid nito. Somehow natutuwa rin siya sa nangyari dahil talagang ang kapalaran na mismo ang gumawa ng paraan para makilala n