bc

OWN ME, MR. PLAYBOY

book_age16+
58.6K
FOLLOW
288.2K
READ
billionaire
one-night stand
pregnant
playboy
single mother
bxg
like
intro-logo
Blurb

Most people say that children are the anchors of a mother's life. The young woman Catriona Lavender Carias took that to her heart from the moment she thought of it until time tested her stability.

There came a point where she needed a lot of money for her mother's surgery. Due to her desperation to raise money she entered the world of Dream Fortress— a p**********n house to which men who have prominent profiles in the society seek s****l services from the women of Dream Fortress in exchange for money.

But in an unexpected event, the service she provided to the strange man who became her only client will reward him with a wonderful souvenir. A son.

Over the course of the year, it was fate that decided to bring her and her client's paths crossed. Trever de Gracia, her former client who is the biological father of her child.

The father of her child didn't recognize her and he'd offer her an atypical job and that job is for her to pretend as his lover and her son to be his child to make his ex-fiancée jealous.

How would he feel when he finds out that Catriona's son is his real child and that Catriona was the woman he paid a long time ago in exchange of her s****l services?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
OWN ME, MR. PLAYBOY! PROLOGUE “CAT, pagsubok lang ‘to sa inyo. Malalampasan at malalampasan din ninyo ni Mader Chanda ‘to. Magpakatatag ka lang. Alam mo namang ikaw lang ang mapaghuhugutan ng lakas ng Nanay mo.” Bahagyang naibsan ang bigat na gumugupo sa lakas ni Catriona nang dumating sa ospital ang nag-iisa niyang kaibigan– si Silver. Isang binabae. Nasa trabaho siya kanina nang may emergency call siyang natanggap. Isinugod ng ilang concern nilang kapitbahay sa ospital ang Nanay Chanda niya. Madalas nilang pagtalunan ng Nanay niya ang bisyo nitong alak. Hindi kasi ito maawat kahit ano pang pakiusap ang gawin niya. Wala itong pinipiling oras sa pag–inom. Nag-umpisang malulong sa alak ang Nanay niya no’ng nangaliwa ang kinakasama nito na kanyang step–father. Sumama kasi sa mas bata at walang sabit. “Kaya kong magpakatatag dahil alam kong iyon lang ang higit na mas magagawa ko ngayon, Silver. Kapit na kapit na rin ako sa itaas. Nagmakaawa na ako sa lahat ng santong kilala ko na huwag muna nilang kunin iyong nag–iisang pamilya na mayro’n ako. Pero paano naman iyong bayarin dito sa ospital? Paano ko mapapa-operahan si Nanay gayung minimum wager lang ako. Wala kaming ipon, Silver.” Hilam ang mga mata ni Catriona. Halatang galing sa matinding pag–iyak. Patang-pata na ang katawan niya hindi lang sa pisikal na aspeto, emotionally din. Ayon sa doktor na sumuri sa Nanay niya ay may komplikasyon na raw ang atay nito. Seven months ago noong napatignan niya sa specialist ang kalagayan ng kanyang ina at noon nga niya napag-alaman na may stage four liver cancer ito dahil sa labis nitong pang-aabuso sa sariling katawan. Mula noon ay kahit anong pilit niya sa Nanay niya ay nagmatigas talaga itong huwag sumailalim sa ano mang treatment o tumor removal. Kaya bumagsak sila sa ganito kasaklap na suliranin. Ganito pala ang pakiramdam kapag binabantaan ni kamatayan ang isa sa mga taong pinakaayaw mong mawala saiyo. Napakabigat sa dibdib. Walang katumbas ang sakit. Iyong tipong mas nanaisin mong isanla sa demonyo ang kaluluwa mo, huwag lang tangkain na kunin saiyo ang nag–iisang taong karamay mo sa buhay. “Si Mader Chanda kasi e. Daig pa ang musmos sa sobrang katigasan ng ulo tapos idagdag pa ang kunsintidor na unica hija sa pagiging tomador ng ina. Kaya ngayon, heto. Napakalaking dagok ang dumating.” “Silver, ano’ng gagawin ko? Saan ako mangangalkal ng pera para sa operasyon ni Nanay? Malabong may mahita ako sa amo kong Intsik. Ni cash advance, hindi ako mapagbigyan.” Huli na para pagsisihan iyon ni Catriona. Sa ngayon, ipapako muna niya ang kanyang buong atensyon kung paano siya makakadiskarte para sa pagpapa–opera sa Nanay niya. Malaki–laking halaga kasi ang estimated cost para sa operasyon dahil nga ay may mga komplikasyon na ang lagay ng kanyang Nanay Chanda. Kung sana ay naagapan ito kaagad at natanggal ang tumor sa atay nito ay mas napalayo pa sana ang buhay ng Nanay niya sa posibling peligro. “Ganitong gipit na gipit ka, may alam naman akong paraan para maisalba si Mader Chanda sa bingit ng peligro. Alam kong hindi marangal itong trabahong ito, Catriona at kinakabahan ako para saiyo.” “Silver, sa sitwasyon ko ngayon, sa tingin mo uunahin ko pa kung marangal o hindi iyong paraan para mailigtas ko si Nanay? Silver, utang na loob naman oh! Kahit ano o saan pa iyan basta para sa Nanay ko, kakapit ako.” Naroon ang pagkabagabag sa hilatsa ng mukha ni Silver. Pero kailangan niyang mapatunayan na disidido siyang pasukin ano mang klaseng trabaho iyon. “S–sa Dream Fortress, Cat. Tiyak nandoon ang sagot sa problema mo.” DREAM FORTRESS, isang ekslusibo at confidential na muog na nagsisilbing takbuhan ng mga lalaking nangangailangan ng panandaliang aliw. Ang mismong fortress ay nakatayo sa pusod ng isang liblib at masukal na kagubatan. Kasing-laki niyon ang Spis Castle ng Slovakia ayon sa nagpapalaganap ng kuwento tungkol sa misteryo ng Dream Fortress. Hera– ang babaeng de maskara. Ito ang Suprema ng Dream Fortress at tanging nagpapatakbo ng ekslusibong muog. Sa labas ng Dream Fortress ay mistulang character ng mga kuwentong–bayan lamang si Hera. Fortressser– iyon ang tawag sa mga babaeng buong–loob na isinusuko ang kanilang mga sarili sa Dream Fortress.  Iba–iba ang kuwento ng mga Fortresser kung paano sila pumasok sa madilim na mundo ng Dream Fortress. Ngunit isa lang doon ang totoo, lahat sila ay may kanya–kanyang pagsubok sa buhay na nais nilang malampasan at sa tulong ng Dream Fortress ni Hera ay hindi sila mabibigo. Para sa kaalaman ng iba, walang karanasan o virgin lamang ang nararapat na maging Fortressser. Rookie sa madaling sabi. May ibang Fortressser na mas piniling manatili sa ilalim ng Dream Fortress. Sarili nila iyong desisyon na pinahintulutan naman ng Suprema na si Hera. Illuminati– mga Fortresser na natatangi sa lahat. They are exclusive to serve their affluent kliente for a single night only, alinsunod sa Golden Rules ng Dream Fortress. These Fortressser should wear a mask until they are done with their work. Their identity must be keep hidden from their kliente dahil nagiging gulo ng Dream Fortress ang ibang kliente na naghahabol sa Illuminati nila at iyon ang iniiwasan ni Hera. May mga signature color ang bawat antipas na ipapasuot sa kanila ni Hera. Triple kaysa sa ordinaryong Fortresser ang kikitain ng isang Illuminati, nga lang ay triple rin ang serbisyong dapat nilang ibigay sa kanilang kliente. Kliente– ang mga patron o parokyano ng Dream Fortress na hindi lang native na Pilipino. Mas madalas pa nga ay mga banyaga. Mostly sa mga kliente dito ay may mga asawa. Isa lang ang sinisigurado ng Dream Fortress, walang napapasang kliente na isang kahig isang tuka. Lahat ng kanilang parokyano ay de premiera sa alta–sosyedad at mga Big Shot. Mainly local and international male celebrities and models, politicians, business magnates and even those aristocrats from uppermost class, upper–middle and middle class of the society. At sa mundo ng Dream Fortress dinala si Catriona ng kanyang kapalaran. And then that one forbidden night happened. One steamy night with her agreesive, wild and furious kliente who happens to be the heir to a multi–billion shipping lines company in the world, a rebel son, a ruthless heartbreaker, a notorious playboy, he's no other than Trever de Gracia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

HIS SUBTLE OBSESSION

read
61.7K
bc

One Night Son

read
152.6K
bc

THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS

read
40.4K
bc

The CEO's Maid

read
1.5M
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
643.1K
bc

My Son's Father

read
586.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook