CHAPTER 13

2068 Words

Own Me, Mr. Playboy! Chapter 13 HALOS paliparin na ni Trever ang kanyang sasakyan makarating lamang siya kaagad sa presintong sinabi sa kanya ni Catriona. Habang nasa biyahe ay pinagalaw na niya ang ilang  tauhan ni Tres na hiningan niya ng tulong upang ipahanap si Piero. Paulit-ulit niyang minumura ang kanyang sarili dahil wala siyang ibang sinisisi sa nangyaring ito kundi ang sarili niya. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may masama mang mangyari kay Piero. Huwag naman sana. He arrived at the said police station in no time and within just a breakneck speed ay nasa loob na siya nito. He quickly traced Catriona dahil namamayani sa loob ng himpilan ang iyak ng babae. Ngunit nagtagis ng husto ang kanyang panga nang makita niyang may yumakap dito na isang mestizong lalaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD