Panay ang tingin ni Selena sa suot na relo. Alas nuebe na nang gabi, may natanggap siyang tawag mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si Kitty. Nakita raw nito si Hugo na may kasamang ibang babae at siguradong mabibigla raw siya kapag nalaman niya kung sino ang babaeng kasama nito. Naghihintay siya na lumabas si Hugo, ang sabi kasi ng babae ay naka-check in ito sa hotel. Mahigit isang oras na siyang nakatayo sa 'di kalayuan. Hindi niya inaalis ang mga mata sa entrance ng building. Wala naman na dapat siyang pakialam kung may kasama man itong ibang babae dahil hindi na naman bago sa kaniya iyon. Ilang beses na ba niyang nakita si Hugo na may ka-date na iba, ngunit hindi naman siya naapektuhan. Kaya lang, ay na-curious siya sa sinabi ni Kitty na kilala raw niya ang babaeng kasama nito na