"Mga beshie, narinig niyo naman siguro ang sinabi ni Sir kanina. Kailangan malinis itong pool ngayong araw at mapalitan ng tubig. Tulungan niyo na ako please, hindi pa nga ako tapos na sermunan ni Sir, may kasunod pa 'yon tiyak," himutok na sabi ni Betty. "Dapat kasi hindi mo inaalis ang mga mata mo sa alaga mo, malingat ka lang ng konti ang dami nang nagagawang kalokohan," sabi ni Olga. "Sa totoo lang ayoko na talagang maging yaya ni Liam, ayos na sa akin ang paglalaba at paglilinis ng bahay. Baka naman may gusto sa inyong pumalit sa akin? Fyi, mas malaki ang sahod ng yaya." "Hay naku, Betty! Fyi rin, hindi kami mukhang pera. Kuntento na kami sa trabaho namin at mahal namin ang ginagawa namin. Tahimik kaming nagtatrabaho, ayaw namin ng problema kaya huwag mo kaming idamay," ani Dina.