Matapos ang paglalaro ng golf ni Marcus kasama ang mga kaibigan ay nakatanggap siya ng text message mula kay Charlene. Iniimbitahan siya nito na dumaan sa bahay nito para doon mag-dinner. Alas singko na ng hapon iyon ng sipatin niya ang oras sa suot niyang mamahaling relo. "Pare, bakit ba panay ang tingin mo sa oras, may lakad ka ba?" tanong ng isa sa mga kaibigan niya at golf buddy na si Hans. "Yeah, I need to go before 6PM," tugon niya, kasalukuyan silang nasa coffee shop na nasa loob din ng golf course. "Are you celebrating father's day with your son tonight?" tanong ni Philip. Natigilan siya at hindi agad nakaimik. Nakalimutan na niya ang tungkol sa okasyong iyon. Bumalik tuloy sa alaala niya ang eksena sa pagitan nila ni Liam kaninang umaga. Binati siya ng anak niya at binigyan