"Where are we going, Selena?" Nagtataka si Liam, dahil ang sasakyan nila imbes na sa bahay idiretso ng driver na si Randy ay sa harapan ng mall nito inihinto. Binaling ni Selena ang tingin sa kaniyang alaga sabay ngiti. "Father's day na bukas, bibili tayo ng gift para sa daddy mo. Halika bumaba na tayo." Inalalayan niya ang bata para makalabas ng sasakyan. Naglakad sila at tinungo ang entrance ng mall. "Do you think daddy will like it if I will give him a gift?" maya ay tanong ni Liam. "Oo naman, sino ba namang tao ang hindi matutuwa kapag binigyan ng regalo?" "Nasubukan mo na bang bigyan ang daddy mo ng gift kapag may okasyon?" "Like what occasion, Selena?" inosenteng tanong ng bata. "Gaya ng birthday niya, christmas at father's day," tugon niya sa tanong nito. Sunod-sunod ang pag