Habang abala sa kaniyang trabaho ay biglang nag-ring ang cellphone ni Marcus, nabaling ang tingin niya rito. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Ang biyenan niya iyon kaya agad niyang sinagot. "O, Mom, napatawag ka?" wika niya. "I just want to remind you na birthday na ng Daddy mo sa Sunday, baka makalimutan mo na naman. Ayokong sumama na naman ang loob ng Daddy mo sa iyo. Pumunta kayo ni Liam dito ng maaga. Wala namang bisita, ang gusto lang ng Daddy mo ay makasama kayo ni Liam sa kaarawan niya." "Yes, Mom, hindi ko makakalimutan. Pupunt kami ni Liam, promise." Assurance niya. "Okay, aasahan ng Daddy mo ang pagdating ninyo." "Sige Mom, kita na lang tayo sa Linggo." Akmang papatayin na niya ang tawag ngunit pinigilan siya ng kaniyang biyenan. "Wait a minute, Marcus." "Why, Mom?