Pagkapasok pa lang ng sasakyan sa loob ng bakuran ay hinanda agad ni Selena ang sarili para lumabas. Ilang oras pa lang silang nagkakalayo ng kaniyang alaga ay miss na miss na niya ito. Paghinto ng sasakyan sa parking ay binuksan na agad niya ang pinto at bumaba ng sasakyan, nawala na sa isip niya ang magpaalam pa kay Marcus. Dali-dali siyang naglakad at pumasok sa loob ng mansiyon. "Selena! Naku, Selena, bumalik ka, totoo ba ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Dina. Palabas sana ito at siya namang pagpasok ni Selena kaya nagkasalubong sila. "Oo, nagbalik ako para kay Liam. Nasaan ang alaga ko?" Inilinga niya ang mga mata sa paligid. Bumuntong hininga ng malalim si Dina. "Hay naku! Andun pa rin sa attic, simula nang umalis ka ay hindi pa siya bumababa doon," anito. "Ano, hindi mo man