Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay nagulat na lamang si Selena nang biglang ihinto ni Marcus ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Sino ang mga taong yun na humahabol sa 'yo, Selena?" Habang nagsasalita ay nakatingin ito sa dashboard mirror para makita ang mukha ng dalaga. Nasa driver seat kasi siya at si Selena naman ay nasa backseat. "Hindi ko alam kung sino sila, Sir. Siguro dahil nakita nila akong naglalakad na mag-isa kaya nakursunadahan nila ako na gawan ng masama," may halong kasinungalingan na sabi niya. Hindi niya maaring sabihin kay Marcus kung ano ang totoong pakay ng mga taong iyon sa kaniya. Bumuntong hininga ng malalim si Marcus. Hindi niya gusto na may mangyaring masama kay Selena. Mabuti na lamang at naroon siya ng mga oras na iyon, kung ano man ang plano ng mga lalaking