"Ms. De Castro, I thought you called me here about something important regarding my son. Look, I'm a busy person and I have a lot to do. If you need to say something, please say it now. Kung wala ka namang sasabihin, pwede na po ba akong umalis?" may halong iritasyon na tanong ni Marcus. Mahigit limang minuto na kasi siyang nakaupo kaharap ang teacher ng kaniyang anak. Kanina pa niya hinihintay na magsalita ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabi. Nakatitig lang ito sa kaniya na para bang manghang-mangha na makita siya.Nakaramdam na siya ng matinding pagkainip kaya hindi na niya napigilan na magtanong.
Samantalang si Ms.De Castro naman ay talagang sinamantala ang pagkakataon na matitigan ng malapitan si Marcus. Ito ang pinakahihintay niyang araw, ang makadaupang palad muli ang mayamang negosyante. Sa totoo lang, noong una niya itong makita nang ihatid nito sa eskuwelahan ang anak na si Liam ay humanga na siya sa angking kagwapuhan nito. Alam niyang biyudo na ang negosyante kaya naman nagkaroon siya ng pag-asa na baka sakaling magustuhan din siya nito at pwedeng maging sila.
Ipinilig ni Ms. De Castro ang kaniyang ulo, hindi niya namalayan na masyado na palang naging matagal ang pagkakatitig niya kay Marcus. Napakagwapo naman kasi nito sa personal at wala siyang makitang imperfections sa physical appearance nito. Para siyang nahihipnotismo sa malakas na karisma nito kaya hindi niya magawang alisin ang mga mata rito.
"Mr. McGregor, alam niyo po kasi nitong mga nakaraang araw si Liam ay mas lalong nagiging pilyo. May mga ginagawa siya na hindi nagugustuhan ng mga kaklase niya. Ipinatawag ko po kayo dahil baka hindi kayo aware sa mga ikinikilos ng anak ninyo. Sa tingin ko po ay naghahanap lang ng atensiyon ang bata. Alam ko pong masyado kayong abala sa pagpapatakbo ng inyong mga negosyo, pero baka naman po pwede ninyong isingit na makausap ang inyong anak at tanungin kung ano ang problema? Ilang beses ko na po kasi siyang kinausap tungkol doon, kaya lang ay hindi nagsasabi sa akin ang bata. Baka sakali po na kapag kayo ang magtatanong ay magsabi siya sa inyo. Concern lang po ako sa anak ninyo, Sir. Sayang naman po kasi, matalino po ang bata, kaya lang ay ang behaviour niya ang problema."
Bumuntong hininga muna nang malalim si Marcus bago nagsalita, siya man ay disappointed din sa kaniyang anak dahil sa hindi magandang pag-uugali nito.
"Ma'am, I apologize for my son's behavior. I'm more than willing to speak with the children and parents affected and apologize to them. As his father, I'll take full responsibility. I'll talk to Liam about this and ensure that incidents like this won't happen again," may paninigurong sabi niya.
Tumango naman si Ms. De Castro bilang pagsang-ayon. "Mr. McGregir, kung kailangan mo nang tulong sa paggabay kay Liam ay huwag kang magdadalawang isip na lumapit sa akin, handa akong maging pangalawang ina ng iyong anak."
Nangunot ang noo ni Marcus, iba ang naging dating sa kaniya ng sinabing iyon ni Ms. De Castro, may kasama kasing lambing ang boses nito habang sinasabi ang mga huling kataga.
Alanganing napangiti naman ang guro.
"I mean, as his teacher, ako na rin ang tumatayong ina nila rito sa paaralan. Handa po akong gabayan ang inyong anak sa labas at loob man ng eskuwelahan, Mr. McGregor," paliwanag nito, kahit ang totoo, ang gusto talaga nitong sabihin ay handa siyang maging asawa ni Marcus at maging stepmother ni Liam.
"Thank you for your concern, Ms. De Castro, I really appreciate it. I'm sorry but I have to end this conversation, I need to go, may importanteng meeting pa kasi akong kailangan na puntahan."
Tumayo na si Marcus kaya naman napatayo na rin si Ms. De Castro.
"Sige, Mr. McGregor, sana hindi ito ang huli nating pagkikita," makahulugang sabi ng guro habang nakasunod kay Marcus.
Hindi na iyon pinansin pa ni Marcus, nagmamadali na siyang lumakad palabas ng classroom. Walang pasok ang mga estudyante ngayon sa Davidson International School dahil may conference ang mga teacher kaya naman iilan lang ang mga tao sa eskwelahan. Ang mga guro lamang na hindi kasama sa conference ang naroon at isa ang teacher ni Liam sa hindi kasamang guro na lumabas ng paaralan para sa conference na ginanap sa ibang lugar.
_
Pasado alas diyes na nang makarating si Marcus sa meeting place nila ng kaniyang kausap. Hindi siya sanay na nale-late, lagi siyang on time kaya naman pinaabisuhan na agad niya sa assistant na si John ang ka-meeting na mahuhuli siya ng dating.
Sa private room nang isang Japanese restaurant siya dumiretso. Naroon at naghihintay ang kaniyang ka-meeting.
"Mr. McGregor! Finally, it's was nice to meet you!" Tumayo ang may edad na ngunit matikas pa ring ginoo, inilahad nito ang kamay, para makipag shake hands kay Marcus na agad naman niyang tinanggap.
"It was nice to meet you too, Mr. Salvador," masayang wika ni Marcus. "Come on let us seat." Itinuro niya ang upuan at magkaharap silang naupo ng ginoo. Umorder muna sila ng pagkain. Minabuti ni Marcus na pakainin muna ang kaniyang bisita bago sila tumuloy sa pinka-topic ng kanilang pagkikita.
Makalipas ang halos kinse minutos ay nagsimula nang magsalita si Arnulfo.
"I traveled all the way from San Martin. It's been a long journey, but I hope it will lead to something good coming here. As we discussed via video chat, I want you to invest in my company, Mr. McGregor. I am seeking investors, and you are the first person that came to mind. Your contribution will be of great help to my company," pahayag nito.
"Thank you for taking the time to contact me, Mr. Salvador. I appreciate the opportunity to learn more about the business proposal. However, I'm unable to provide an immediate answer, I need to carefully consider various factors before committing to another venture. Additionally, I lack familiarity with the mining industry, which adds to my hesitation of accepting your proposal."
Nalaglag ang balikat ni Arnulfo. Nadismaya siya sa naging resulta ng pag-uusap nila. Napansin naman agad iyon ni Marcus, may naisip na siyang gawin para hindi naman sumama ang loob nito sa kaniya. Ang totoo ay wala pa sa isip niya ang mag-invest sa negosyo nito. At lalong hindi niya ito pinapunta sa Maynila para lang sadyain siya. Ayaw niyang sumugal sa isang bagay na hindi naman siya sigurado kaya gusto niyang pag-aralan munang maigi.
"Don't worry, Mr. Salvador, your trip here won't be for nothing. Take your time to explore the city first, and don't rush back to San Martin. I'll take care of all the expenses of yours and your staff while you're here. My assistant will ensure your comfort at the hotel during your stay in Manila. Just relax, there's a lot to enjoy here," pang-aalo niya.
"I'm hopeful you'll reconsider my business proposal, Mr. McGregor. The mining industry presents significant profit opportunities, but anyway, thank you for offering us to stay."
"I'm not closing a door, Mr. Salvador, I just need time to think and learn about the business. We'll see," aniya.
Pareho na silang tapos na kumain kaya naman tumayo na siya.
"Thank you for the delicious meal, Mr. McGregor. I hope to see you soon."
"Thank you also for visiting me, Mr. Salvador."
Nagkamayan ang dalawa at pagkatapos ay sabay nang lumabas sa restaurant.
Ipinahatid ni Marcus si Mr. Salvador at ang mga kasama nito sa kaniyang assistant na si John na siyang inatasan niya na asikasuhin ang mga pangangailangan ng ginoo at ng mga kasama nito habang sila ay nasa Maynila, samantalang siya naman ay dumiretso na sa kaniyang opisina.
-
"F*ck! Hindi pwedeng hindi natin mapapayag ang lalaking iyon na mag-invest sa atin. Mayaman si Marcus, kailangan natin ang pera niya para mapatakbo natin ng maayos ang kompanya."
Nakailang lagok na ng alak si Arnulfo. Ininom niya ang complimentary drink na bigay ng hotel na tinutuluyan nila.
"Sir, hindi naman humindi si Mr. McGregor, gusto lang niya ng oras para pag-isipang mabuti ang pag-invest sa mining company natin," sabi ng isa sa mga staff nito.
Masamang tingin ang ipinukol ni Arnulfo sa nagsalita.
"I'm not asking for your opinion. Did I allow you to speak? Umalis ka nga sa harapan ko!" singhal ng ginoo rito.
"So-sorry, Sir!" paumanhin naman nito at yuko ulong mabilis na lumabas ng silid.
Kapag ganu'ng mainit na ang ulo ng ginoo ay hindi ka pwedeng magsalita at mangatwiran.
Inis na ibinagsak ni Arnulfo ang katawan sa mahabang sofa. Hindi pwedeng walang mangyaring maganda sa pagluwas niya. Kaya si Marcus ang isa sa napili niyang mag-invest sa kaniya ay dahil mayaman ito at siguradong maraming pondo. Nanganganib ang kompanya niya kaya naghahanap siya ng mga tao na sasagip sa kaniya. Kailangan niyang mapapayag si Marcus.
Hindi siya titigil hangga't hindi nakakaisip ng magandang paraan para mapapayag ito. Nang gabing iyon ay nagpakalango siya sa alak, sasamantalahin niyang malayo siya sa kaniyang asawa para magawa niya ang lahat ng gusto niya. Ang tanging pakunsuwelo na lang sa kaniya ay ang ginawang pag-ako ni Marcus sa lahat ng gastusin niya habang nasa Maynila siya kaya sasamantalahin niya ang pagkakataong iyon.