Chapter 3

1558 Words
"Ikaw na ang magsabi!" "Bakit ako, ikaw na!" Panay ang bulungan at tulakan ng dalawang kasambahay. Napansin iyon ni Marcus dahil malapit lang naman sa kaniya ang mga ito. Nasa garden siya, doon niya pinili na mag-almusal. Nakaramdam siya ng inis sa kaniyang mga tauhan. Hindi siya makapag-concentrate sa binabasa niyang balita mula sa hawak na diyaryo dahil sa ingay na nililikha ng mga ito. "Betty, Dina, is there something you want to tell me?" may halong iritasyon na tanong niya. "Come here, both of you. You're buzzing around like bees over there, don't you know that you're disturbing my reading?" Napakamot ng ulo si Dina. "Ikaw kasi ayaw mo pang sabihin. Lalo tayong malalagot niyan kay Sir," may himig paninisi na sabi ni Betty. "Huh! Ako pa talaga ang may kasalanan, ikaw dapat ang magsabi, bakit kasi ako ang inuutusan mo?" inis na tanong ni Dina. "Hey, you two, get over here! Seriously, I'm telling you to come closer, what's taking you so long to move?" Maiksi lang ang pasensiya ni Marcus at madali siyang mainis. Dahil sa labis na takot ay mabilis na lumakad ang dalawa palapit kay Marcus. Ilang segundo lang ay nasa harapan na niya ang mga ito. "What do you want to tell to me? Say it now." Isa-isa niyang binalingan ng seryosong tingin ang dalawang kasambahay. "Si-sir, kasi ipinapatawag po kayo sa school ni Liam. Gusto raw po kayong makausap ng teacher," alanganing sabi ni Dina. Nangunot ang noo ni Marcus. "Huh! Why? What did Liam do this time?" Hindi naman ito ang unang beses na pinatawag siya sa eskuwelahan ng anak, ngunit sa lahat ng pagkakataon na gusto siyang kausapin ng guro nito ay dahil iyon sa mga kapilyuhan na ginagawa ni Liam. Marami itong kalokohan at madalas ay hindi nakakatuwa, kaya naman hindi pa nasasabi ang dahilan ay may idea na siya na may hindi na naman magandang ginawa ito sa paaralan. "Wait, where is his Yaya? Dapat siya ang nagre-report sa akin ng tungkol sa nangyayari sa alaga niya bakit wala siya?" "Eh, Sir, umalis na po si Mercedes," sagot ni Betty. "Umalis? Bakit saan siya pumunta?" "Umuwi na po sa kanila, Sir. Sabi nga namin magpaalam muna sa inyo bago umalis pero hindi na raw po niya ikaw mahihintay, hindi na raw niya kaya pang magtagal dito sa mansiyon na kasama si Liam." Napabuntong hininga ng malalim si Marcus. Hindi pa man ay alam na niyang may ginawa na naman na hindi maganda ang kaniyang anak sa yaya nito. Nakailang palit na sila ng yaya, dahil ang lahat ay hindi kinakaya na alagaan ang anak niyang si Liam. Wala pang tumagal na yaya ang kaniyang anak dahil sa kapilyuhan nito. "Sabihin ninyo, ano ba ang ginawa ni Liam kay Mercedes?" Nagkatinginan ang dalawang kasambahay, nagtuturuan pa kung sino ang sasagot sa tanong niya. "Betty, answer my question? What did Liam do to his nanny. "Si-sir, kasi po, nung isang araw itinulak ni Liam sa pool si Mercedes, eh hindi naman po siya marunong lumangoy, ayun muntik nang malunod. Ang daming nainom na tubig, mabuti na lang at nakita ni Kuya Patring, sinagip siya, kinuha sa pool at inahon sa tubig." "Hindi lang po iyon ang ginawa ni Liam kay Mercedes, Sir. Kahapon binigyan niya ng sandwich si Mercedes, sabi peace offering daw niya. Naniwala naman si Mercedes kaya tinanggap niya yung sandwich at kinain, kaya lang nilagyan pala niya ng tarantula yung sandwich. Laruan lang naman po yung tarantula na nilagay ni Liam at hindi totoo kaya lang ay may phobia po sa gagamba si Mercedes kaya iyon inatake ng hika," dagdag na kwento pa ni Dina. "Ilan lang po iyon sa mga ginawang kapilyuhan ni Liam, Sir, bukod doon ay marami pa pong iba. Napuno na lang po si Mercedes kaya napilitan ng umalis." Napailing na lamang si Marcus. Dahil sa sobrang abala niya sa trabaho ay hindi na niya matutukan ang pagpapalaki sa kaniyang anak. "Ano ang ginawa niya sa school? Bakit ako pinapatawag nang teacher niya?" "Sir, kasi po si Liam, dinala yung alaga niyang ahas sa school tapos inilagay sa bag ng kaklase niya. Pag uwi raw po nang bata sa bahay ay binuksan nang mommy niya ang bag nito para-i check ang mga ginawa ng anak sa school ay muntik na pong himatayin sa takot si Mrs. Delgado, nang makita ang ahas sa loob ng bag ng anak niya. Nagreklamo po si Mrs. Delgado sa prinicipal kaya ka po pinapatawag ng teacher para personal na kausapin." Natampal ni Marcus ang sariling noo sa labis na pagkadismaya. Binigyan na naman siya ng problema ng kaniyang anak. Matapos mag-almusal ay ipinasiya niyang puntahan ito sa kaniyang silid. Nadatnan niya ang bata na naglalaro ng computer games. Dahil sa sobrang pagkaabala nito sa paglalaro ay ni hindi nito namalayan ang kaniyang pagpasok. Nakaramdam siya ng inis, hindi niya nagustuhan ang kaniyang nakita. Walang pasabing tinanggal niya ang sa saksakan ang computer, namatay ito at noon lang nabaling sa kaniya ang atensiyon ng anak. "Dad, why did you do that? I was about to win. Why did you stop my game? It's not fair!" inis na sabi ni Liam. Hindi nito matanggap ang pang-iistorbong ginawa sa kaniya ng kaniyang ama. "You're scaring away all your nannies because you want them to leave, so nobody can stop you from doing whatever you want. Liam, what's going on? I know you understand it's not right, so why do you keep doing it? You don't show me respect, and I keep getting called to your school because you're so stubborn. Even when I scold you, you don't listen. Losing Mercedes doesn't mean you won't have a nanny anymore. You're only eight and still need someone to help you. I won't stop until I find a new nanny for you." "Dad, I don't want a nanny, I can take care of myself." "Don't keep insisting on what you want. In this house, I make the rules, I want you to learn from your mistakes and change that attitude. From now on, you're grounded and can't use any gadgets." "No, Dad! You're so unfair!" maktol ng bata. "I won't tolerate your misbehavior just because you're my child. While you're young, I must guide you to better choices. For the meantime, while I haven't found a nanny for you yet, Betty will look after you. I'll expect you to behave. If you do, I'll let you use gadgets, but only for a limited time." "Whatever you say, Dad," walang ganang sagot ni Liam. Tumayo ito buhat sa kinauupuan at tinungo ang kaniyang kama, humiga ito ng padapa at hindi na pinansin pa ang kaniyang ama. Napapailing na lumabas na lamang ng silid si Marcus. Bago siya dumiretso sa sarili niyang kuwarto ay ibinilin muna niya ang anak sa kasambahay na si Betty. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang at kung bakit naging ganuon ang ugali ng kaniyang anak. Naisip niyang dahil siguro wala itong ina na gumagabay sa kaniya. - Namatay ang asawa ni Marcus dahil sa panganganak. Simula noon ay binuhay niya at pinalaki ng mag-isa si Liam. Inaamin niya na naging malayo ang loob niya sa bata, dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala lamang niya ang masamang trahedya na sinapit ng pinakamamahal niyang si Angela. Dalawang taon palang silang mag-asawa noon. Napakaisksi lang at kulang na kulang ang panahon na pinagsama nila. Hindi niya maiwasan na isisi kay Liam ang nangyari. May sakit sa puso ang kaniyang asawa at inilihim nito ang kalagayan sa kaniya. Ginusto nito na mabigyan siya ng anak sa kabila ng maselan nitong kalagayan. Hindi naging maganda ang pagbubuntis nito, maraming naging komplikasyon at dumating sa punto na kailangan niyang mamili kung ang anak ba o ang kaniyang asawa ang dapat na mabuhay. Sadyang mapagmahal at selfless si Angela. Isinakripisyo nito ang sariling buhay para sa kanilang anak. Hiniling nito na mas piliin niya ang bata at wala siyang nagawa kung hindi sundin ang kahilingan nito. Simula nang mawala ang kaniyang asawa ay parang gumuho na ang mundo niya. Hindi na niya nakita ng positibo ang buhay. Walang panahon na naging masaya siya. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagtatrabaho at pagpapayaman para makalimutan niya ang kaniyang problema. Walong taon nang wala ang kaniyang asawa ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa puso niya ang sakit na dulot ng pagkawala nito. Marami siyang tanong sa sarili. Ano kaya kung buhay ngayon ang kaniyang asawa, magiging masaya ba ito sa buhay na ibibigay niya? Dati pangarap lang nila ang isang malaking bahay, ngayon ay natupad na. Tinupad niya ang lahat ng pangarap ni Angela para sa kanilang pamilya ng hindi ito kasama. Sa araw-araw ang ipinapakita niyang imahe sa mga tao ay ang pagiging malakas niya, matapang at strikto. Iniilagan siya at kinatatakutan ng lahat dahil sa ugali niyang iyon. Ang hindi alam ng mga tao, tuwing gabi kapag mag-isa na lamang siya sa kaniyang silid ay umiiyak siya, sinisisi niya ang mundo sa naging mapait na kapalaran niya. Kung bibigyan siya ng isang kahilingan, ang hihilingin niya ay ibalik sa kaniya ang kaniyang asawa. Gusto niyang ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. Si Angela lang ang tanging nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan. Si Angela ang buhay niya. Buhay siya, ngunit wala naman siyang nararamdaman na kahit na ano, kaya para na rin siyang patay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD