Ang naudlot na pakikipagkita sana noon ni Selena sa kaniyang mga kaibigan ay natuloy na ngayon. Nasa isang beach resort sila, mag o-overnight sila roon, birthday kasi ng isa sa pinakamalapit na kaibigan niya na si Nadia.
"Selena, kapag kailangan mo ng tulong ko, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin kahit ano pa 'yan at kahit saan pa akong lupalop ng mundo naroon basta kaya ko, tutulungan kita," sabi ni Nadia, nakainom ito at medyo lasing na kaya madaldal na.
"Talaga ha, sinabi mo 'yan," ani naman ni Selena, itinaas niya ang hawak na kopita na may lamang alak, itinaas din ni Nadia ang hawak at pinagbunggo nila ang kanilang mga kopita.
"Nakakalungkot naman, aalis na kami sa San Martin at sa Maynila na kami titira. Mami-miss kita, Selena. Ite-text ko sa'yo ang address ng bahay namin doon, kapag nagawi ka sa Maynila, huwag mong kalimutan na dalawin ako. Doon ka sa baahy namin mag i-stay."
Si Selena man ay nalulungkot. Ngayon lang nabanggit ni Nadia ang tungkol sa paglipat nila sa Maynila. Simula grade 7 hanggang college ay magkasama na sila sa iisang eskwelahan. Kaya naman sa lahat ng kaibigan niya ay ito ang pinakamalapit sa kaniya dahil lagi silang magkaklase pati ang course na kinuha nila nung college ay pareho rin.
"Bakit naman kasi lilipat pa kayo, maayos naman ang buhay ninyo rito? Maganda naman ang negosyo ng Daddy mo."
"Ililipat na kasi sa Maynila ang company ni Dad. Isasara na ang branch dito at sa Maynila na siya magpo-focus. Actually two years nang nakaplano ang pagluwas namin sa Maynila, kaya lang ay laging nauudlot dahil ang dami pang dapat asikasuhin ni Daddy rito."
Napasinghot si Selena. Naiyak kasi siya sa isiping hindi na sila magkikita ng madalas.
"Goodluck na lang sa wedding mo. Ang daya mo naman kasi hindi mo man lang ako isinama sa mga listahan ng bridesmaid mo. Gusto kong magtampo sa'yo," dismayadong sabi ni Nadia.
"Huh! Kung ako ang madedesisyon ay ikaw ang gagawin kong maid of honor, ang kaso wala akong kontrol sa sarili kong kasal. Lahat ng bisita at kasama sa entourage ay puro kamag-anak at kaibigan ni Hugo. Pakiramdam ko nga ay isa lang din ako sa mga bisita. Pupunta lang naman ako roon para ikasal sa bwisit na lalaking iyon out of my own will."
"Tsh! Ano ba'ng klase 'yan? Bakit ka naman kasi pumayag sa arrange marriage na 'yan?"
"Wala naman akong choice, kung hindi ko susundin si Dad ay siguradong lalo lang niya akong kamumuhian. Alam mo naman na noon pa ay malayo na ang loob niya sa akin. Kung ang pagpapakasal kay Hugo ang magiging kasagutan para magbago na ang pagtrato sa akin ni Dad ay gagawin ko," sabi niya, kahit naman ang totoong dahilan ay pabagsak na ang negosyo nila at ang pamilya ni Hugo lang ang makakatulong sa kanila para makaahon. Hindi niya sinabi kay Nadia ang tungkol doon, hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa bagay na iyon kahit na pa ang matalik niyang kaibigan.
Bumagsak ang balikat ni Nadia. "I'm so sorry, Selena. Naiintindihan ko na ngayon. Ang totoo ay hindi naman ako galit sa'yo, naawa pa nga ako sa'yo kasi ikakasal ka sa lalaking 'yon. Ang pinakamayabang, babaero, arogante at walang konsiderasyon na si Hugo Salvador."
"Ano ba'ng gagawin ko? Sabihin mo nga sa akin, Nadia, kung ano ang dapat kong gawin para hindi ako maikasal kay Hugo?"
Napaisip naman si Nadia. "Hmm... ano kaya kung lumayas ka? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka sa lugar na hindi ka mahahanap ni Hugo o kaya ay magpakasal ka na lang sa kahit na kaninong lalaki, basta huwag lang kay Hugo. Kapag kasal ka na sa iba ay wala nang magagawa 'yon."
"Huh! Ano ba'ng klaseng suggestion 'yan. Ang lumayas at magpakalayo-layo ay okay pa, pero ang magpakasal sa kahit na kanino ay hindi naman ata maganda. Sino naman ang pakakasalan ko, wala naman akong boyfriend?"
"Mamili ka na lang sa mga suitors mo. Marami ka namang manliligaw 'di ba? Sa barkada natin ikaw ang ligawin. Ikaw naman kasi ang pinakamaganda sa ating lahat."
"Tsh! Wala akong matinong manliligaw. At saka ayoko nga ng suggestion mo na 'yan."
"Okay, basta kapag naisipan mong tumakas sa kasal mo, lumuwas ka ng Maynila, sa amin ka tumira, kukupkupin kita."
"Sinabi mo 'yan, ah."
"Oo, promise, itatago kita kay Hugo."
Natahimik si Selena, nilagok niya ang lamang alak ng kaniyang kopita. Sa isip-isip niya ay sana nga ganun lang kadali ang pagtakas.
_
Tuwang sinalubong ni John si Marcus nang makalabas ito sa circuit.
"Congratulations, Sir! Wala ka pa rin talagang kupas."
Tinanggal ni Marcus ang suot na helmet at maagap na kinuha naman iyon ni John. Katatapos lang ng F1 Exhibition Race para sa 78 laps at si Marcus ang tinanghal na panalo. Siya ang pinakamabilis, naunahan niya ang lahat ng kalaban na makarating sa finish line.
Hindi naman sumagot si Marcus, tinapik lang nito sa balikat ang kaniyang assistant at dire-diretso ng lumakad. Mabilis naman ang mga hakbang na sumunod si John dito. Huhubarin na ni Marcus ang racing suit na suot niya at dapat lang na naroon si John para alalayan ito at ibigay ang pamalit na damit ng kaniyang amo. All around kasi ang trabaho niya, hindi lang sa opisina siya assistant ni Marcus, sa lahat ng bagay ay siya ang naka-asiste rito. Siya ang personal assistant ni Marcus sa lahat ng mga lakad nito. Kabisado na niya ang daily routine ng kaniyang amo. Hindi lang basta CEO nang malaking kompanya si Marcus, marami rin itong sports. Bukod sa golf at car racing ay magaling din ito sa polo. Champion din ito sa boxing at mix martial arts. Pati basketball at tennis ay naglalaro rin ito, at hindi lang basta laro ang ginagawa nito, magaling ito at ito ang pambato ng kaniyang team. Wala yatang sports na hindi kayang gawin si Marcus.
Mabibilis ang mga hakbang nito na tinahak ang papunta sa kaniyang locker room. Habang naglalakad ay isa-isa nitong tinatanggal ang mga gear niya at inaabot kay John.
Pagpasok sa locker ay sinalubong agad si Marcus nang maganda at sexy na babae. Biglang prumeno si John at hindi na tumuloy sa loob.
"Oh, ooh!" sabi niya sabay talikod. Isinara niya ang pinto at hinayaan ang kaniyang boss at ang babae na mapag-isa.
Maraming girlfriend ang kaniyang amo at kilala niyang lahat ang mga iyon. Sa tagal na niyang naninilbihan dito ay kabisado na niya ang ugali at buong pagkatao nito. Marami itong girlfriend, ngunit kahit kailan ay wala itong sineryoso. Iisang babae lang naman ang minahal nito at iyon ay ang namayapa nitong asawa.
"Stop it, Jessa!" Marahang itinulak ni Marcus ang babaeng nagtangkang halikan siya sa labi.
"Honey! Why are you pushing me? You don't like my kiss?" kunot noong tanong ng modelong si Jessa.
Nakilala niya ang dalaga sa isang event, isa ito sa mga modelo na invited sa car show na pinuntahan niya.
"Will you please stop calling me, honey! I'm not your boyfriend, okay," inis na sabi niya. Walang pangingiming naghubad siya sa harapan nito at pinalitan ang suot niyang racing suit.
"What? May nangyari na sa atin, maraming beses na, tapos sasabihin mo hindi kita boyfriend. Anong ibig sabihin ng mga nangyari sa atin, tikiman lang ganun ba?"
"Hindi lang naman ako ang may gusto noon ikaw rin naman. Ikaw nga ang laging nag-i-insist. You used to seduce me that's why we always ended up in bed."
"Look, Jessa, I'm not ready for a commitment. If you don't like this kind of set up then, you are free to leave. I'm not forcing you to stay."
"Huh! You're so impossible, Marcus! How can you do this to me? Akala ko okay tayo."
"Okay naman tayo ng ganito, bakit naghahangad ka pa ng mas malalim pa rito? Kung relasyon ang hanap mo ay hindi ako ang para sa'yo, maghanap ka na lang ng iba."
Biglang huminahon ang mukha ni Jessa. Mahal na niya si Marcus at ayaw niyang mawala na lamang ito sa buhay niya ng ganun na lang.
"I love you, Marcus. Hindi ako aalis sa tabi mo. I'm willing to wait hanggang sa maging ready ka na."
Napailing na lamang si Marcus.Pinaplano na niyang layuan si Jessa dahil nagiging demanding na ito. Hindi kagaya dati na kung kailan lang niya gusto silang magkita ay okay lang dito. Ngayon kasi kahit saan na lang siya pumunta ay nakasunod ito.
Hindi siya in love rito. Hindi niya gusto ang matali sa kahit na kaninong babae. Nangako siya sa kaniyang asawa na ito ang una at huli niyang mamahalin. Si Angela lang at wala ng iba. Hindi niya makita ang sarili niya na iibig pa sa ibang babae. Wala na siyang makikilala na katulad ni Angela.
"I'm so sorry, Jessa, but it's over. Habang maaga pa ay itigil na natin ito. This is not good for tge both of us."
"Marcus! Handa naman sabi akong maghintay."
"Wala kang mahihintay sa akin, Jessa."
"So, ginamit mo lang pala ako. Ginamit mo ako bilang parausan."
"Pareho lang tayong naggagamitan kaya huwag mong isumbat sa akin ang bagay na 'yan. Hindi lang naman ako ang lalaki sa buhay mo 'di ba? I know what you're doing behind my back. Huwag kang umarte na para bang agrabyado ka sa sitwasyong ito."
Lumabas na siya sa locker room at iniwan ang natulalang si Jessa. Hindi na nito nagawang habulin siya. Napaiyak na lang ang modelo dahil sa ginawa ni Marcus na pagbabalewala sa kaniya.