Chapter 10

1381 Words
"Sir, nagawa ko na po ang inuutos ninyo, napadalhan ko na po ng bulaklak at cake si Ms.Brianna," bungad na sabi ni John nang makapasok sa opisina ni Marcus. Ang socialite na si Brianna Montesa ang apple of the eye ni Marcus ngayon. Kaarawan nito kaya naman inutusan niya ang assistant na si John na padalhan ito ng cake at bouquet of roses sa bahay nito. "Very good!" sabi ni Marcus na hindi man lang nilingon ang assistant. Nakatutok kasi ang mga mata niya sa mga papeles na binabasa. Ilang minuto nang nakatayo si John sa harapan niya ngunit hindi pa rin ito umaalis, napansin niya na tila ba may nais itong sabihin. "Do you want to say something, John?" aniya. Tumikhim muna si John na para bang may tinanggal na bara sa kaniyang lalamunan. "Ah, Sir, magpapaalam kasi sana ako, baka pwede niyo po akong payagan na mag day off bukas?" alanganing tanong nito, nakuha nito ang atensiyon ni Marcus. Muntik nang pagsisihan ni John ang ginawang pagpapaalam sa kaniyang amo dahil nang iangat nito ang ulo ay nagsalubong ang makakapal na kilay nito. "Bakit, ano ang gagawin mo bukas?" walang kangiti-ngiting tanong ni Marcus. "Sir, halos isang buwan na rin po kasi akong hindi nagdi-day off. Kailangan ko nang ipa-laundry ang mga damit ko dahil wala na akong maisusuot. Ang gulo-gulo na rin po kasi ng unit ko, tapos aasikasuhin ko rin ang pagbayad ng mga bills ko at pag go-grocery. Mag-isa lang naman po kasi ako sa bahay at walang nag-asikaso ng mga kailangan ko." "Bakit mag-isa ka lang, nasaan ang pamilya mo?" "Sir, nasa probinsiya po silang lahat. Lumuwas lang naman ako rito sa Maynila seven years ago para magtrabaho. Six years na ako sa inyo, six years ko na ring hindi nakikita ang pamilya ko." Napamaang si Marcus. "Really? Bakit naman?" tanong niya. "Eh, kasi Sir, hindi niyo naman ako pinapayagan na mag vacation leave, kahit nga mag day off ay bihira niyo lang akong payagan," may halong hinanaing na sabi nito. Natigilan si Marcus, matagal nang nagtatrabaho sa kaniya si John, ngunit ngayon lang siya may nalaman tungkol sa buhay nito. Hindi naman kasi niya ito tinatanong tungkol sa mga personal na bagay. Napaisip siya, ganun na ba talaga siya kasama? Sumusobra na nga ba siya sa pagtrato kay John? Aminado siya na hindi niya ito nabibigyan ng day off. Nasanay na kasi siyang lagi itong nasa tabi niya, sinusunod at ibinibigay ang lahat ng gusto niya. Masasabi niyang napakasipag nito at very efficient sa trabaho. Mahihirapan na siyang humanap ng ganung klaseng empleyado na katulad ni John kaya dapat lang niyang bigyan ng pabor ito. Mahirap na baka maisipan pa nitong mag-resign. "Okay fine, mag day off ka bukas at sa susunod pang bukas. I'll give you two days, para gawin lahat ang mga kailangan mong gawin, but make sure na ibibilin mo lahat kay Emily ang mga schedule at commitment ko, dahil siya muna ang papalit sa'yo habang wala ka. And one more thing, don't off your phone, you need to accept my call kapag may kailangan akong itanong sa'yo, understand?" Lumapad ang ngiti ni John. Masayang-masaya siya dahil sa wakas ay makakapagpahinga naman siya sa trabaho at magkakaroon ng oras para sa kaniyang sarili. "Opo, sir, ibibilin ko lahat kay Emily ang mga dapat na gawin, hindi ko rin i-o-off ang cellphone ko," masiglang tugon nito. Tumango si Marcus at ibinalik na muli ang atensiyon sa kaniyang trabaho. Si John naman ay lumabas na ng opisina para hindi na ma-istorbo pa ang kaniyang amo. _ "Thank you for the wonderful dinner, Marcus. Hindi ko talaga inasahan na sosorpresahin mo ako sa birthday ko." Katatapos lang kumain ni Marcus at Brianna.Sinundo niya ang dalaga sa shop nito kanina at inayang mag-dinner sa isang fine dining restaurant. Pinasara niya ang restaurant na iyon para masolo nila ang lugar. Pinalagyan niya ng mga dekorasyon ang restaurant para mas maging espesyal at romantic ang dinner nilang dalawa. "Anything for you, Brianna. I just want you to be happy on your special day," tugon niya sa sinabi nito. Nabigla siya ng biglang umusog palapit sa kaniya si Brianna at gawaran siya nito ng matamis na halik sa labi. Napangiti siya sa ginawa ng dalaga. "What does that kiss means?" maang na tanong niya. "Sinasagot na kita, tayo na," tugon naman nito. Gusto niyang matawa, dalawang araw pa lang simula ng makilala niya ito at ngayon lang siya gumawa ng effort para ma-impress ito at bumigay naman agad. "I know is too early, pero bakit pa natin patatagalin? You like me and I like you too. Pwede naman natin kilalanin ang isa't-isa kahit tayo na." "Yeah, tama ka naman do'n," sang ayon niya. "So you wanna sleep with me tonight? My bed is big and comfortable," may halong pang aakit na sabi nito, habang hinihimas ang mukha ni Marcus, pababa sa leeg patungo sa malapad na dibdib nito. "Why not? I would love to try sleeping in your bed. I'm sure it will make me warm," pilyong sabi niya. Hindi mapigilan ni Brianna ang mapahalakhak. Sinigurado niyang sexy ang mapang-akit ang dating ng tawa niya. She's been for this for so long. Ang tagal na niyang nagpapansin kay Marcus at ngayon lang siya binigyan ng atensiyon nito. Kung hindi pa siya gumawa ng eksena kahapon sa party ng kaniyang pinsan na isa sa mga bisita si Marcus ay hindi malalaman ng mayamang negosyante na nag e-exist siya sa mundo. Sa party kasi kagabi, nang mapadaan siya sa harapan ni Marcus ay nagpanggap siyang nahihilo. Tinulungan siya nito at inalalayan na makaupo. Sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para magpasalamat at magpakilala sa biyudong negosyante. Nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-usap at makapagpalagayan ng loob. Ginawa niya ang lahat para hindi siya makalimutan ni Marcus. Ginamit niya ang kaniyang karisma para magustuhan siya nito at nagtagumpay naman siya. Nang gabing iyon ay natupad na ang pinakapapangarap ni Brianna. Nagtagumpay siya na maisama sa kaniyang bahay si Marcus. Magdamag nilang pinagsaluhan ang init ng isa't-isa. Ipinakita niya rito kung gaano siya kagaling sa kama. Gusto niyang hindi siya nito makalimutan at laging hahanap-hanapin. Dito siya magaling, ang magpaligaya ng lalaki sa kama. - Nagising si Marcus na masakit ang ulo. May hang over pa siya mula kagabi. Bago kasi sila nagdigmaan sa kama ni Brianna ay nag-inuman muna sila. Lasing na lasing siya at halos hindi na niya maalala ang mga nangyari kagabi. "Good morning, honey!" bati ni Brianna sa kaniya, gising na pala ito at kanina pa siya pinagmamasdan. Gumulong ito at umibabaw sa kaniya. Noon lang niya napansin na wala pala itong saplot na kahit na ano sa katawan. Napagtanto niya na siya rin ay hubo't-hubad. "Do you want me for breakfast?" pilyang tanong nito sabay kagat ng pang-ibabang labi. Umupo ito sa tiyan niya at gumiling-giling sa ibabaw niya. Nag-aalugan ang malulusog nitong dibdib. Nagpakawala ito ng malakas na pag-ungol habang panay ang indayog ng katawan. Ewan ba niya, hindi siya nag-init sa ginagawa nito, mas iniinda niya ang masakit niyang ulo. "I'm sorry but not now Brianna, my head is aching." Hinawakan niya sa bewang ang dalaga at inalis sa ibabaw niya, ibinaba niya ito sa kama at siya naman ay tumayo na para magtungo sa banyo. Napasimangot si Brianna. Bumaba ito sa kama at sinundan sa banyo si Marcus na noon ay naghihilamos ng mukha. Parehong hubo't-hubad ang dalawa. "Why don't we take a shower together?" tanong nito na hindi nawawalan ng pag-asa na mapagbibigyan ni Marcus ang gusto niya. Umiling si Marcus. "No, sa bahay na ako maliligo. I need to go home, kailangan kong pumasok sa opisina ngayon." "Huh! Aalis ka na? Akala ko pa naman mamasyal tayo today." "Some other time na lang, may importante akong kliyente na dapat na kausapin ngayon." Bumuntong hininga ng malalim si Brianna. Nadismaya siya, hindi ito ang inaasahan niyang mangyari. "Okay, but be sure to call me later. I want to hear your voice. I will going to miss you, honey." Pilit na ngiti ang isinukli ni Marcus sa sinabi nito. Wala na siyang balak na makipagkita a kay Brianna. Hindi niya maipaliwanag, pero nawala ang karisma nito. Hindi na siya ganun ka excited na makita ito. Tinanguan na lamang niya ito para naman hindi magduda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD