"Sir, dumating na po ang in-appoint ng board of directors para maging vice president for marketing. Nandito siya para mag-report sa'yo." Bungad ni John kay Marcus. "Okay, papasukin mo," mabilis na tugon naman ni Marcus. Dumiretso siya ng upo at hinintay ang inaasahang bisita. Hinayaan na niya ang board of directors niya na mag-hire ng papalit sa nag-retired nilang VP for Marketing. Pagdating sa bagay na iyon ay hindi na siya nakialam. Pati ang qualification at proseso ng paghahanap ay pinaubaya na niyang lahat sa kanila. Nang bumukas ang pinto ay natututok agad ang tingin niya sa taong papasok. Napaawang ang bibig niya ng mapagsino ang bumungad sa pinto, agad siyang tumayo at hindi makapaniwalang sinalubong ito. "Good morning, Mr. McGregor. I am Charlene Feliciano, the newly appointed V