Chapter 19

1564 Words

"Kamusta ka naman dito sa bahay, Selena? Hindi ka ba nainip na mag-isa?" tanong ni Mely. Sabado nang gabi noon, kauuwi lang nito galing sa pinagtatrabahuhan. "Nakakainip nga Ate Mely. Hindi ako sanay na walang kausap," sagot ni Selena. Sa ilang araw niya na nakatambay lang sa bahay ni Mely ay dinaig pa niya ang nakakulong. Hindi niya magawang lumabas dahil natatakot siyang baka may makakita sa kaniya na tauhan ng kaniyang ama. Kaya naman kapag lumalabas siya ay kailangan pa niyang magsuot ng mahahabang damit, mag-mask at magsumbrero. "Ipinasa ko nga pala ang resume mo sa agency na inaplayan ko. Hintayin mo na lang ang tawag. Yaya raw ang kailangan nila ngayon, marunong ka bang mag-alaga ng bata?" Natigilan si Selena. Ano ba ang alam niya sa bata, dalawa lang naman silang magkapatid at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD