Chapter 11

1183 Words

"Dina, nakita mo ba ang alaga ko?" tanong ni Betty sa kasama. "Oo nakita ko," tugon naman ni Dina, namumutok pa ang bibig nito dahil sa kinakaing camote cue. "Nasaan?" "Andun natanaw ko kanina papunta sa garden. May dala ngang gunting." "Huh! Ano na naman kaya ang binabalak na gawin ng batang 'yon?" "Baka may iniisip na namang kalokohan," wika ni Dina sabay tawa. Nakalimutan nitong puno pala ng pagkain ang bibig niya kaya naman bigla itong nasamid. Dinalahit ito ng ubo, agad nitong kinuha ang isang baso ng tubig sa ibabaw ng lamesa at ininom. "Ano ba kasing katakawan 'yan? Hoy, tirahan mo 'ko ha, hindi lang ikaw ang kasambahay rito, baka ubusan mo kami ng miryenda." Inirapan ni Dina si Betty. "Hoy ka rin! Yung parte ko lang naman ang kinakain ko, grabe ka mangbintang." "Oo na, si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD