Chapter 6

1618 Words
Ngayong gabi ang engagement party ni Selena at Hugo. Nakatitig lamang ang dalaga sa salamin, kahit anong tawag sa kaniya ng kaniyang Yaya Flora ay hindi niya ginawang kumilos sa kaniyang kinauupuan. "Selena, magsisimula na ang party, kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo," anito. Saglit niyang nilingon ang kaniyang tagapag alaga at pagkatapos ay nangalumbaba at muling ibinaling ang tingin sa salamin. Sa isang sikat na hotel sa siyudad, kasalukuyang ginaganap ang espesyal na okasyon na iyon. Maraming mga mayayaman at importanteng bisita ang nasa bulwagan ng hotel. Walang excitement na nararamdaman si Selena, ang totoo nga niyan ay ayaw sana niyang pumunta sa okasyon na iyon, kahit pa para talaga iyon sa kaniya at sa mapapangasawa niyang si Hugo. "Yaya, 'di ba may lahi kang manghuhula. Pwede bang hulaan mo 'ko. Gusto ko kasing malaman kung talaga bang si Hugo na ang kapalaran ko?" Humatak ng upuan si Flora at tumabi ng upo kay Selena. "Totoong ang lola ko at ang nanay ko ay mga manghuhula pero hindi nila itinuro sa akin ang kakayahan na 'yon kaya hindi ko magagawang hulaan kung ano ang magiging kapalaran mo," sabi nito. Nanulis ang nguso ni Selena. "Sige na, Yaya, subukan mo lang," pamimilit na sabi niya. Umiling si Flora. "Ikaw ang gagawa ng kapalaran mo, Selena." "Huh! Paano ko gagawin 'yon, eh si Daddy naman ang nagdidikta ng kapalaran ko?" may himig na inis na sabi niya. "Basta sundin mo lang kung ano ang ninanais ng puso mo at hindi ka maliligaw." "Tsk! Masyado namang matalinghaga ang mga sinasabi mo Yaya. Paano ko naman maiintindihan 'yan?" Hindi na pinansin ni Flora ang tanong na iyon ni Selena, tumayo na ito para ayaing lumabas ang kaniyang alaga. "Halika na, huwag nang matigas ang ulo mo. Lumabas ka na kung ayaw mong magalit na naman sa'yo ang Daddy mo." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Selena. Padabog siyang tumayo. Ayaw niyang lumabas dahil ayaw niyang makita si Hugo. Maliliit pa lang sila ay kilala na niya ito. Ang hacienda nila at hacienda nila Hugo ay magkalapit lang, magkaibigan ang kanilang mga ama kaya kahit anong okasyon sa bahay nila ay imbitado ang pamilya Salvador. Mga bata pa lang sila ay may ugali na si Hugo na hindi niya gusto. Matapobre ito, mapagmataas at makasarili. Ang gusto nito ang laging nasusunod. Noon ay madalas siyang paiyakin nito, kinukuha ang baon niya o kaya ay sinisira ang mga laruan niya. Naalala pa niya ang paborito niyang manika na regalo sa kaniya ng kaniyang ina. Bigla na lang inagaw sa kaniya iyon ni Hugo at inihagis sa balon ng tubig. Sa kagustuhan niyang makuha ang kaniyang manika ay tinangka pa niyang bumaba sa balon, kung hindi siya nakita ng kaniyang mommy ay siguradong nakababa na siya. Kahit pinahanap na sa mga tauhan sa hacienda ang manika at lumusong ang ilan sa mga ito sa balon ay hindi na talaga nakita ang manika. Ilang araw rin niyang iniyakan iyon. Kahit binilhan siya ng Mommy niya ng kapalit ay mas gusto pa rin niya ang dati niyang manika. Simula noon ay kinamuhian na niya si Hugo. Pinagmasdan lamang ni Flora ang kaniyang alaga habang naglalakad ito palabas ng silid. Hindi na niya ito hinatid hanggang sa venue, nagpaiwan siya sa kwarto. Hihintayin na lamang niya roon ang pagbabalik nito. Nagsinungaling siya kay Selena, ang totoo, katulad ng kaniyang lola at ina ay may kakayahan din siyang basahin ang kapalaran ng tao. Nakita na niya ang kapalaran ni Selena. Nang minsang natutulog ang kaniyang alaga ay tiningnan niya ang palad nito. Hindi niya sinabi kay Selena ang tungkol doon, dahil ayaw niyang dumipende ito sa hula. Hindi rin naman isang daang porsiyento na siguradong tama nga ang hula niya. Gusto niyang ito mismo ang tumuklas sa sarili niyang kapalaran, hindi niya pwedeng pangunahan kung ano ang itinadhana. - "Why don't you just pretend to be happy being with me, hindi 'yung nakasimangot ka d'yan?" inis na pahayag ni Hugo, ngunit nakangiti naman habang sinasabi iyon. Ayaw kasi niyang ipakita sa mga tao na hindi sila nagkakasundo ni Selena. Ang daming mga bisita na gustong bumati sa kanila. "Hindi ako plastic na tao. Bakit ko pipilitin ang sarili ko na maging masaya sa harapan ng maraming tao kahit hindi naman ako masaya? Hindi ako clown na kahit malungkot ay kailangan nakangiti para pasayahin ang mga tao." "Bakit may sinabi ba akong clown ka?" pilosopong tanong ni Hugo. Inirapan niya ito ng tatlong beses. "Hindi mo rin naman ako gusto 'di ba? Bakit hindi mo na lang sabihin sa daddy mo na huwag nang ituloy ang kasal?" "Bakit, sino ba ang may sabi na hindi kita gusto?" tanong na naman nito na ikinabigla niya, hindi siya nakaimik, napipilan siya. "Alam mo ba kung bakit lagi kitang inaasar nung mga bata pa tayo?" Umiling siya bilang tugon, hindi naman kasi niya alam kung bakit nga ba lagi na lamang siya nitong iniinis. "Dahil nagpapapansin ako sa'yo. Gusto kong ibaling mo sa akin ang atensiyon mo. Mga bata pa tayo ay gusto na kita, Selena. Iyon ang dahilan kaya pumayag ako sa arrange marriage na ito," seryosong pahayag ni Hugo. Pinkatitigan niya ito, gusto niyang basahin sa mukha nito kung nagsasabi ba ito ng totoo. Kahit naman umamin na ito ng tunay na nararamdaman para sa kaniya ay hindi naman mababago niyon ang damdamin niya. Wala siyang pagtingin kay Hugo, hindi niya nakikita rito ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki. Nang gabing iyon ay nanahimik na lamang siya at hindi na kumontra pa. Nagpanggap siya na masaya sa harap ng kanilang mga bisita. Hindi niya gusto na galitin na naman ang kaniyang ama. Nakahinga siya nang maluwag ng makapasok sa powder room. Sa wakas ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na mapag-isa. Kanina sa bulwagan ay napakadaming bisita na kailangan nilang isa-isang batiin at estimahin. Mga bisita na hindi naman niya kilala. Puro kamag-anak ni Hugo ang mga naroon at kaibigan ng kanilang mga ama. Mabuti pa nga si Hugo naimbitahan ang mga kaibigan niya, samantalang siya ay hindi man lang pinayagan ng kaniyang ama na mag-imbita ng kakilala. Kahit ang kaniyang Yaya Flora ay hindi nito pinasama sa party at pinaiwan lang sa kuwarto. Sino ba naman gaganahan sa ganun, parang wala siyang karapatan. Inalisan nila siya ng karapatan. Siya ang ikakasal, engagement party niya iyon. Sana ay masaya ang okasyon na iyon para sa kaniya ngunit kabaliktaran naman. Huminga siya nang malalim, nagpakawala ng pilit na ngiti at pagkatapos ay lumabas na sa powder room para muling bumalik sa party. Walang katao-tao sa paligid habang siya ay naglalakad sa pasilyo kaya nagulat siya ng may marinig na impit na hagikhik nang isang babae na para bang kinikiliti. Napatigil siya, hinanap ng mga mata niya kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Nawala saglit ngunit umulit muli ang paghagikhik ng babae, sinundan niya ang pinanggagalingan niyon. Huminto siya sa isang malaking poste, sa likod niyon nanggagaling ang ingay. "Honey, stop it! Ano ba, may kiliti ako d'yan!" narinig niyang sabi ng babae habang panay ang hagikhik. Na-curious siya kung ano ang ginagawa ng mga ito, may kasama ang babaeng iyon. Dahan- dahan siyang lumakad at umikot sa poste. Maingat ang mga hakbang niya, iniiwasan niyang makagawa ng anumang ingay. Napaawang ang bibig niya sa labis na pagkagulat ng makita kung sino ang lalaking kaharutan ng babaeng maingay. Ang lalaki ay walang iba kung hindi si Hugo at ang babae ay isa sa kanilang mga bisita. Sa pagkakatanda niya kanina nang ipakilala sa kanila ito ay anak ito ng kasosyo sa negosyo ng ama ni Hugo. Nag-init ang ulo niya sa nakita. Ito ba ang lalaki na dapat niyang pakasalan? Hindi pa nga sila kasal ay nambabae na. At anong sinasabi nito na gusto siya nito? Kasinungalingan pala ang lahat ng iyon dahil bukod sa kaniya ay may iba pa pala itong gusto. Hindi niya kinompronta si Hugo, hindi niya inistorbo ang paghaharutan ng mga ito, kahit gustong-gusto niya ay pinigilan niya ang kaniyang sarili na gawin iyon. Panay ang halik ng talipandas na lalaki sa leeg ng babae, habang ang mga kamay nito ay walang tigil sa paggapang at paghimas sa maseselang bahagi ng katawan ng babaeng iyon. Samantalang ang babae naman ay parang ahas kung makalingkis dito. Imbes na bumalik sa bulwagan ay diretso na siyang lumabas at tinungo ang kaniyang kwarto, sumakay siya sa elevator dahil nasa 8th floor pa iyon. "O, Selena, maaga pa, bakit bumalik ka na?" takang tanong ng kaniyang Yaya Flora nang makapasok siya sa loob ng silid. "Kunin mo na ang mga gamit ko, Yaya, aalis na tayo rito. Uuwi na tayo sa bahay," mangiyak-ngiyak na sabi niya. Kahit naman wala siyang pagtingin kay Hugo ay masakit pa rin para sa kaniya ang ginawa nito. Hindi naman siya manhid para walang maramdaman. Sa ginawa ni Hugo ay mas lalo lang nitong pinatunayan sa kaniya na hindi nga dapat niya itong pakasalan. Buo na ang desisyon niya, hindi siya magpapakasal kay Hugo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para hindi matuloy ang kasal nila. Bahala na, saka na lang niya iisipin, sa ngayon ay gusto muna niyang makauwi na sa bahay nila at magpahinga. Nakakapagod ang gabing ito para sa kaniya. Wala na siyang pakiala kahit magalit pa ang kaniyang ama. Hindi niya kayang pakisamahan pa si Hugo pagkatapos ng nakita niya. Sa totoo lang ay nangangati ang kamay niya at gustong-gusto niyang sampalin ito. Humanga siya sa kaniyang sarili dahil nakayanan niyang magtimpi at hindi gawin iyon. Hinintay lang niya na makailipit ng Yaya Flora niya ang mga gamit niya. Sabay na silang bumaba ng hotel ar nagtungo sa ground floor kung saan naroon ang parking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD