Chapter 7

1518 Words
Habang naglalakad si Betty, bitbit ang laundry basket na puno ng mga damit na labahin ng mag-amang Liam at Marcus ay dumiretso siya sa laundry room. Papaikutan niya ang mga ito, iyon naman talaga ang trabaho niya sa mansiyon, tagalaba ng damit ng mag-ama at tagalinis ng bahay. Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit natigilan siya nang biglang may kumalabit sa kaniya. Nilingon niya kung sino ang gumawa niyon ngunit wala siyang nakita kaya nagkibit balikat na lamang siya at tinuloy ang naudlot na pagpihit sa doorknob. Kaya lang, hindi pa nga niya ito naiikot ay may naramdaman na naman siyang kumalabit buhat sa likuran niya kaya pumihit siya para tingnan kung sino iyon, ngunit wala pa rin siyang nakita. Napakunot ang noo niya, ang aga-aga kasi kung bakit may nagbibiro na sa kaniya. Isa lang ang pwede niyang pagbintangan, walang iba kung hindi ang kasamahan niyang si Dina, dahil madalas siyang biruin nito. Bumuntong hininga siya nang malalim, humarap siya sa pinto para ipinagpatuloy ang kanina sana ay gagawing pagbukas niyon. Laking gulat niya, hindi pa kasi niya napipihit ang pinto ay kusa nang bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang nakakatakot na maitim na imahe ng isang maliit na nilalang. Napasigaw siya nang malakas sa labis na takot at nabitawan ang hawak na basket. Mas lalo siyang napasigaw nang ang basket ay bumagsak sa kaniyang paanan. Napaaringking-king siya sa sakit. Habang iniinda niya ang nanakit na paa ay narinig niya ang isang malakas na tawa. "Hahaha! It's so funny! You're so scared, Betty!" tuwang sabi ni Liam, tinanggal nito ang suot na nakakatakot na maskara. Nanlaki ang mga mata ni Betty, hindi niya akalain na si Liam pala ang akala niya ay engkanto na nakita niya. Nagmaskara lamang pala ito para takutin siya na halos ikahulog nang puso niya. "Liam! Ikaw na bata ka, bakit mo ginawa iyon?" inis na tanong niya sa alaga, akmang hahawakan niya ito ngunit mabilis itong umilag. "Bleh!" Dinalaan siya nito at pagkatapos ay lumusot sa kaniyang tagiliran sabay karipas ng takbo. Napapailing na lamang na pinulot niya ang nagkalat na mga damit sa sahig. Nang bumagsak kasi ang laundry basket ay tumilapon din ang mga damit na laman niyon. "Tsk! Kailan ba ako makakalaya sa makulit na batang 'yon?" sabi niya habang nagdadabog na pumasok sa loob ng laundry room. Kahit siya ay hindi nakaligtas sa kapilyuhan ni Liam. Noong isang araw lang ay ikinulong siya nito sa bodega. Hindi siya makalabas kasi ipinadlock nito ang pinto, apat na oras pa ang lumipas bago nalaman ng mga tao sa mansiyon na nawawala siya. Natagalan bago siya mahanap ng mga ito, hindi tuloy siya nakakain ng tanghalian kaya gutom na gutom siya ng mga panahon na iyon. Ang totoo ay gustong-gusto na niyang bumalik sa dati niyang trabaho at ayaw na niyang maging tagapag-alaga ni Liam.Kuntento na siya sa paglilinis ng bahay at paglalaba, kaya pinipilit niya ang assistant ni Marcus na si John na pakiusapan ang kanilang amo na pumayag na maghanap na ng bagong tagapag-alaga ni Liam. Hindi kasi niya magawang pagalitan ang bata, isa man sa kanila ay wala itong kinatatakutan, kaya malakas ang loob nito na ginagawa ang kahit na anong naisin niya. - Araw ng Sabado, nakabihis si Marcus kasunod si John, bitbit nito ang mga gamit sa pag go-golf ng kaniyang boss. Tuwing Sabado ay nakikipaglaro ito ng golf sa kaniyang mga kaibigang negosyante. Ilang hakbang na lamang at nasa pintuan na si Marcus at handa nang lumabas ng bahay, bigla siyang natigilan sa malakas na pagtawag sa kaniya ni Liam. "Daddy...Daddy!" sigaw ng bata, patakbong lumapit ito sa kaniya. "Daddy, look, I won first place in a drawing contest in our school," may pagmamalaking sabi ng bata habang ipinapakita nito sa ama ang hawak na puting papel na naglalaman ng kaniyang drawing. Kagabi pa niya hinihintay ito para ipakita ang award niya kaya lang ay nakatulugan na niya ang paghihintay sa ama. Mag-uumaga na rin kasi nakauwi si Marcus at lasing pa. Naaya ito sa inuman ng kaniyang mga kaibigan. "Oh, great! That's great! Congratulations, son!" sabi ni Marcus na hindi man lang tinapunan ng tingin ang ipinagmamalaking drawing ng anak. "John, bring Liam to the mall, buy him anything he wants. I have to go, male-late na ako sa usapan namin ng mga kaibigan ko." "Yes, Sir, ako na po ang bahala kay Liam," maagap na sagot ni John. Sanay na siya na sa tuwing may achievement na natatanggap si Liam ay siya ang inuutusan ng kaniyang boss na samahan itong mag-celebrate o kaya ay mamili ng mga gusto nito bilang reward. Walang panahon si Marcus sa kaniyang anak, mas mahalaga sa kaniya ang negosyo at mga kaibigan. Ni minsan ay hindi niya nagawang ipasyal ito at paglaanan ng kaniyang oras. "Be a good boy, okay!" sabi niya sa anak sabay gulo ng buhok nito. Tinalikuran nito ang bata at tuluyan nang umalis. Naiwang malungkot naman si Liam. Hinatid lang ni John ang mga gamit ng kaniyang boss sa sasakyan nito at agad na rin siyang bumalik sa bahay. Wala na si Liam kung saan niya ito iniwan kanina kaya hinanap niya ang bata. "Dina, nakita mo ba si Liam?" tanong niya sa kasambahay ng makasalubong niya ito sa pasilyo. Umiling si Dina. "Hindi, galing ako sa kusina, wala naman doon si Liam," tugon nito. Napakamot ng ulo si John."Saan kaya nagpunta 'yon?" Lumakad siya para tunguhin ang hagdan.Umakyat siya sa second floor para puntahan ang bata sa silid nito, ngunit si Betty lang ang nadatnan niya roon. Tinitiklop nito ang mga malilinis na damit ni Liam at inilalagay sa kabinet. "Betty, si Liam, nakita mo ba?" tanong niya habang inililinga ang mga mata sa paligid. "Wala rito, hindi ko pa siya nakikita mula kanina," tugon nito. Nangunot ang noo ni John. "Huh! Saan naman kaya nagpunta ang batang 'yon?" "Ewan ko, andiyan lang 'yon, hanapin mo," kibit balikat na tugon ni Betty. Napakamot na lang ng ulo si John at pagkatapos ay nilisan na ang silid. Naglalakad siya sa pasilyo ngunit napatigil siya nang may marinig na kaluskos mula sa terrace. Na-curious siya kung ano ang pinagmumulan ng ingay na iyon kaya lumakad siya patungo sa terrace. Nabigla siya ng makita si Liam, nakasalampak ang bata sa sahig, ang drawing na kanina ay hawak nito ngayon ay pinagsusulatan ng pentelpen, napuno na ng tinta iyon at hindi na makita ang mismong drawing na kanina lang ay ipinagmamalaki nito sa ama. "Liam, what are you doing?" Agad siyang lumapit sa bata at inagaw ang pentelpen na hawak nito. "Bakit mo sinira ang drawing mo?" tanong niya. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Liam. "Because, Daddy don't like it." "Huh! Bakit mo naman nasabi na ayaw ng Daddy mo sa drawing mo? Narinig mo naman ang sinabi niya na very good ka raw." "He just said it, but he doesn't mean it. Daddy hates me, he don't love me." may himig pagtatampo na sabi ng bata. "Of course not. Your daddy loves you. Tama na 'yan, halika na pumunta na tayo sa mall. Sabi ng daddy mo bilhan kita ng kahit na anong gusto mo." "No. I don't wanna go. I don't like anything, I just want my daddy," umiiyak na sabi ni Liam. Huminga ng malalim si John, pinipigilan niya ang emosyon na namamayani sa kaniya. Masyado siyang naapektuhan sa sinabi ng bata. Nakaramdam siya ng awa para rito, tanging atensiyon lamang ng kaniyang ama ang gusto nito ngunit hindi nito makuha iyon. "Your dad's working hard, for you and for your future." "You're lying! I don't believe you. My daddy is rich, he don't need to work. He just don't love me and that's the truth. I wish my mom is here," malungkot na sabi ng bata. Hindi malaman ni John ang sasabihin para mapagaan ang kalooban ni Liam. Kahit siya ay hindi kayang ipagtanggol ang kaniyang amo dahil alam niya sa sarili niya na tama naman ang bata. May pagkukulang ang kaniyang among si Marcus sa kaniyang anak. Sa anim na taon na paninilbihan niya rito ay nasaksihan niya kung paano nito tratuhin ang anak na si Liam. Dinadaan lamang nito sa pagbibigay ng mga materyal na bagay ang pagpapakita ng pagmamahal sa anak at hindi nito iyon pinararamdam. "Huwag mong isipin 'yan, mahal ka ng daddy mo." "I don't think so," sabi ng bata sabay sunod-sunod na iling. Buhat sa pagkakasalampak sa sahig ay tumayo na ito at nagtatakbong iniwan si John. Isang hingang malalim ang pinakawalan nito at pagkatapos ay iiling- iling na humabol kay Liam. Namroblema tuloy siya kung paano pa niya aamuhin ang bata gayong sinumpong na naman ito ng tantrums. Kapag ganuon na kasi si Liam ay mahirap nang makausap dahil hindi ka nito iimikin. Isa lang ang naisip niyang paraan para mawala ang tantrums nito. Iyon ay ang gawin ang pinagbabawal. Hindi pwede sa ice cream si Liam, mariing utos ni Marcus na huwag papakainin ng ice cream ang kaniyang anak. Tanging ice cream lang ang bukod tanging pagkain na nagpapasaya sa bata kaya sa pagkakataong ito ay susuwayin muna niya ang kaniyang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD