"Sir, nandito na." Tiningala ni Marcus si John. "Ano'ng nandito na?" takang tanong niya. "Yung pina-deliver mong bulaklak," sagot naman nito. "Bulaklak? I don't remember ordering a flower," aniya. "Ako po ang umorder para sa inyo. February 14 po ngayon, Valentines day. Bibigyan mo ng bulaklak si Ms. Charlene 'di ba, kaya inorderan na kita." Napamaang siya sa sinabi ni John. "Huh! Bakit nababasa mo ba ang utak ko? Paano mo nalaman na gusto kong bigyan ng bulaklak si Charlene?" "Hindi naman Sir, inassume ko lang na gusto mo siyang bigyan ng bulaklak kaya inorderan na kita. Lately kasi napapansin ko na wala kang ibang babae na dini-date bukod sa kaniya." "Tsh! Na-order mo na ano pa ba ang magagawa ko? Sige ikaw na ang mag-abot sa kaniya." "Okay Sir," maagap na sagot ni John. Lumaba