Araw ng Linggo, walang pasok sa opisina at walang lakad si Marcus. Sinadya niyang ilaan ang araw na iyon para makapagpahinga. Ang sarap-sarap ng tulog niya ngunit, nagising siya sa ingay, may narinig siyang mga hiyawan na para bang nagkakasiyahan. Papungas-pungas siyang bumangon para alamin kung ano ang ingay na iyon. May terrace ang kaniyang kwarto, itinulak niya ang sliding door para makapunta sa terrace, mula roon ay kitang-kita niya ang kabuuan ng kaniyang nasasakupan na lupain. Ang naniningkit pa niyang mga mata dahil sa antok ay biglang nandilat ng makita ang pamilyar na tao. Hindi niya mapaniwalaan na alas otso pa lang ng umaga ay nasa mansiyon na niya si John. Talaga namang pursigido ito sa panunuyo kay Selena. Naglalaro ang kaniyang anak ng soccer kasama ito, si Selena at Din