Namilog ang mga mata ni Dina, pagising kasi niya at sumilip siya ibaba ay nasilayan niya ang mga nagagandahang pumpon ng bulaklak na nakapatong sa upuan. Mabilis ang mga kilos na bumaba siya sa kaniyang higaan na double deck. Kagigising lang din ni Selena ng mga oras na iyon dahil tumunog na ang alarm clock. "Wow, kanino 'to? Akin ba 'to, ha Selena? Sino'ng nagbigay, excited na tanong nito, kinuha ang mga bulaklak, pinakatitigan at pagkatapos ay inamoy-amoy. Mabilis naman na inagaw ni Selena ang mga bulaklak dito. "Hindi sa'yo 'to, akin 'to," sabi niya. Nang makuha ang bulaklak dito ay mabilis siyang lumayo. "Hmp! Kanino galing, kay Sir John? Binigyan ka naman niya tapos ako hindi," yamot na sabi nito. Umiling siya. "Hindi ito kay Sir John galing." May pagdududa ang mga tingin ni Di