"O, hija, dito ka muna matutulog ngayong gabi. Sana naman ay magustuhan mo ang kwarto mo at maging komportable ka sa pagtulog mo." Binuksan ni Mrs. Chaves ang pinto ng sinasabi nitong silid at namangha si Selena, para naman kasing kwarto sa hotel ang silid na iyon, napakaganda naman kasi nito at napakasosyal na tingnan. "Naku, Ma'am, nakakahiya naman po bakit kailangan ipahiram niyo pa sa akin ang guest room ninyo, kahit sa sofa lang po o kaya sa sahig na nilatagan ng banig ay ayos lang sa akin." "Ano ka ba naman, hija, Ang dami-dami naming guest room dito at wala namang umu-okopa. Isa pa hindi naman yata makatao na basta na lang kitang patulugin sa sahig." Hindi nakaimik si Selena. Wala talaga siyang masabi sa kabaitan ni Mrs. Chaves. Hindi niya alam kung bakit espesyal ang pagtrato ni