Chapter 2

1574 Words
"Selena, wait!" Mabibilis ang mga hakbang ni Selena at hindi nilingon ang tumatawag sa kaniya. Humahangos na humabol ito at nang siya ay maabutan ay agad na hinablot ang kamay niya para siya ay pigilan na makalayo. Napangiwi si Selena, masyadong madiin ang hawak nito sa kaniya. "What now, Hugo?" inis na tanong niya. Pilit siyang kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito ngunit ayaw pakawalan ng binata ang braso niya. "Bitiwan mo nga ako, pwede ba?" galit na sabi niya. "Bakit ka ba nag-walk out? Masama bang halikan ka in public? We're in a relationship. In two months time ay ikakasal na tayo." "Wala tayong relasyon, Hugo. Ang mga magulang lang natin ang nagdesisyon na ipakasal tayo sa isa't-isa." "So, hindi mo gustong maikasal sa akin ganun ba? You're so imposible!" "Tell me, ano ba'ng ayaw mo sa akin? Lahat ng babae dito sa San Martin ay naghahangad na maging girlfriend ko, ikaw lang itong bukod tanging pakipot," inis na sabi nito. "Huh! Sigurado ka bang lahat?" pa-pilosopong tanong niya. "Yes! All of them!" mataas ang kumpiyansang sagot naman nito. Hindi na umimik pa si Selena, may mga dahilan siya kung bakit ayaw niyang magpakasal kay Hugo. "I need to go, ikaw na lang ang mag-party, tutal puro mga kaibigan mo naman ang nasa loob," may halong panunumbat na wika niya. Totoo naman ang sinabi niya. Birthday niya ngayon ngunit ni isa sa mga kaibigan niya ay wala man lang imbitado. Si Hugo ang nagbigay ng surprise party na iyon para sa kaniya. Hindi siya na-surprise at hindi rin siya nasiyahan. Ngayon pa nga lang ay kinokontrol na siya ni Hugo. Pinipili lang nito ang mga tao na dapat niyang makasalamuha. Pakiramdam niya ay nasasakal siya, wala siyang kalayaan at hindi ito ang buhay na pangarap niya. Wala siyang pagmamahal kay Hugo. Ang mga magulang nila ang nagdesisyon para sa kanila, kahit na nasa tamang edad na sila. Bente singko anyos na siya, samantalang si Hugo ay bente siyete naman. Alam niya ang dahilan, gusto ng kaniyang ama at nang ama ni Hugo na pag-isahin na lang ang kanilang mga kompanya, at mangyayari lamang iyon kung magiging ganap na silang pamilya. Hindi nagpapigil si Selena. Ang naisip niyang paraan para makawala siya kay Hugo ay tapakan nang malakas ang paa nito, na siya nga niyang ginawa. Napaaringkingking sa sakit ang binata, dahil halos bumaon ang takong niya sa sapatos nito. Nabitawan siya nito at sinamantala niya iyon. Tumakbo siya papunta sa kaniyang sasakyan at nagmamadali siyang pumasok sa loob. "F*ck! Selena, bumalik ka rito!" galit na sigaw ni Hugo. Nakahabol ito at pinaghahampas ang pintuan ng sasakyan ng dalaga, pilit na pinabubuksan iyon, ngunit hindi ito sinunod ni Selena. Ini-start niya ang makina, determinado na siya, kahit pa humarang sa harapan niya si Hugo ay hindi niya ititigil ang sasakyan, at iyon nga ang nangyari. Humarang si Hugo, tiningnan muna niya ito ng masama at pagkatapos ay pumikit siya, tinapakan niya ang selinyador, bahala na kung masagasaan niya ito. Nakita ni Hugo kung gaano ka determinado si Selena, handa itong banggain siya, kaya naman bago pa makalapit sa kaniya ang sasakyan nito ay siya na ang nagkusang umalis. Alam niyang hindi siya hihintuan ni Selena. Kung may babaeng bersiyon niya ay si Selena iyon. Pareho silang matigas ang ulo at ang gusto ang siyang nasusunod. Kaya hindi sila magkasundo, dahil walang nais na magpatalo sa kanila at walang gustong magbigay. "Sh*t!" malakas na sigaw niya at napasuntok pa sa hangin. Hindi niya mapaniwalaan na sa pagkakataong ito ay natalo na naman siya ni Selena sa patigasan ng ulo. - Dumiretso sa bahay si Selena at pagdating ay nagkulong agad sa kaniyang kuwarto. Ito ang pinakapangit na birthday na naranasan niya sa buong buhay niya. Imbes na kasama niya ang mga malalapit na kaibigan at kamag anak na nag e-enjoy ay ang mga plastik na mga kaibigan ni Hugo ang kasama niyang nag-celebrate. Simula nang ma-enggage sila ng lalaking iyon ay hindi na naging normal ang takbo ng buhay niya. Ang daming nagbago, ang daming bawal. Kung alam lang niya na mangyayari ito ay tinanggap na lang sana niya ang alok na kasal ng dati niyang nobyo na si Benjamin. Kung bakit ba kasi tumanggi pa siya ng mag propose ito sa kaniya last year, ayan tuloy nagpakasal ito sa iba at siya naman ngayon ay pilit ipinapakasal ng daddy niya sa anak ng kaibigan nito. Kung buhay lang ang mommy niya ay hindi iyon papayag na mangyari ang ganito, kaya lang ay four years nang patay ang kaniyang ina at siya ang sinisisi ng kaniyang ama sa pagkamatay nito. Simula nang mawala ang kaniyang ina ay naging iba na ang trato sa kaniya ng kaniyang ama. Pilit niyang iniintindi ito, ngunit minsan ay nahihirapan na rin siya. "Ma'am Selena!" Malalakas na katok sa pinto ang nagpabangon kay Selena. Narinig niya ang pagtawag sa pangalan niya ng kaniyang Yaya Flora. "Huh!" Bumaba siya sa kama at tinungo ang pinto para pagbuksan ang kumakatok. "Bakit, Yaya?" kunot noong tanong niya. "Dumating na ang Daddy mo at pinapatawag ka. Naroon siya sa opisina niya." "Mainit ba ang ulo?" alanganing tanong niya. Umiling si Flora. "Hindi ko alam, lagi namang seryoso ang mukha ng Daddy mo at hindi ko pa siya nakikitang ngumiti kahit na kailan, kaya hindi ko alam kung mainit ba ang ulo niya o hindi. Ang mabuti pa ay bumaba ka na, puntahan mo na siya." "Si-sige," alanganing sagot niya. Lumabas siya ng kaniyang silid at bumaba. May sariling opisina sa bahay ang kaniyang ama at sa ground floor iyon matatagpuan. Alanganing kumatok siya sa pinto, alam niyang bukas iyon ngunit ginawa niyang kumatok bilang paggalang. "Come in, Selena." Sa boses pa lang ng kaniyang ama ay matatakot ka na at iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa timbre nito ay alam niyang may problema na naman. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang istriktong mukha ng kaniyang ama. "Dad, pinapatawag mo raw ako," wika niya. Buhat sa kinauupuan nito ay tumayo ang kaniyang ama at lumapit sa kaniya. "You stupid brat!" Isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang iginawad sa kaniya ng kaniyang ama. Nagulat siya sa ginawa nito. "Ba-bakit, Dad? Ano'ng ginawa ko?" takang tanong niya habang sapo-sapo ang kumikirot sa sakit pang pisngi. Mangiyak-ngiyak siya. "Imbes na magpasalamat ay bakit mo binastos si Hugo sa harap ng mga kaibigan niya? Hindi ka pa nakuntento muntik mo nang sagasaan ang pobreng binata. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, masyado kang ini-spoiled ng mommy mo kaya lumaki kang walang respeto. Ilang buwan na lang at ikakasal na kayo ni Hugo. Magiging asawa mo na siya dapat matuto kang irespeto siya." "Pe-pero Dad, siya naman itong walang respeto sa akin. Bigla na lang niya akong hinalikan ng walang paalam," pagsusumbong niya. "Walang masama sa ginawa niya, magiging asawa ka na niya. Natural lang naman na ginagawa iyon ng magkarelasyon." Naiinis kasi siya sa ginawa ni Hugo. Hindi naman basta halik lang iyon, may kasama pang dila, gusto pa yatang maglaplapan sila sa harapan ng mga kaibigan nito. Nakakabastos iyon para sa kaniya, hindi naman siya ganung klaseng babae. Hindi magandang tingnan. Ngunit hindi niya masabi ng diretsahan iyon sa kaniyang ama. "Dad, ayokong magpakasal kay Hugo, bawiin mo na lang ang arrange marriage namin. Hindi pa ako handang mag-asawa at saka hindi ko siya mahal." "Puwes, pag-aralan mo siyang mahalin. Hindi ito tungkol lang sa pag-ibig, Selena. Si Hugo at ang kayamanan nila ang magsasalba sa papalugi na nating negosyo. Hindi mo kailangang magmatigas at magmalaki sa kaniya dahil higit na kailangan mo siya kaysa sa mas kailangan ka niya." "Pe-pero Dad, sigurado akong hindi magiging maayos ang pagsasama namin ni Hugo dahil marami kaming bagay na hindi pinagkakasunduan. Wala na bang iba pang paraan para maisalba ang kompanya natin?" "Wala na, ang mga Salvador lang ang makakatulong sa atin. Nangako silang iaahon sa pagkakalugmok ang ating kompanya. Isa lang naman ang kondisyon na hinihiling ni Arnulfo, at iyon ay ang pakasalan mo ang anak niyang si Hugo. Kung ayaw mong pulutin tayo sa kangkungan ay magpapakasal ka kay Hugo. Hindi na mahalaga ang pagmamahal ngayon, ang mas mahalaga ay pera. Malaking kahihiyan ang kahaharapin natin kapag nalaman ng mga tao na naghihirap na tayo. Huwag lang ang sarili mong kapakanan ang isipin mo, isipin mo rin ang mga taong umaasa sa atin. Marami tayong tauhan at ang lahat ng iyon ay may mga pamilyang binubuhay. Hindi lang ito tungkol sa'yo kung hindi pati na rin sa mga taong matagal nang naninilbihan sa atin. Sila ang dahilan kung bakit mo natatamasa ang karangyaan na meron ka ngayon at mawawala ang mga karangyaang iyan kung hindi ka kikilos." Hindi nakaimik si Selena. Nakaramdam siya ng pagkakonsensiya. Sa isang banda ay tama ang kaniyang ama. Ngunit, hindi niya kayang isakripisyo ang sarili niya at ang kaligayahan niya. Napakahirap para sa kaniya na gawin iyon, dahil panghabang buhay na ang kasal. Alam niyang magiging impyerno lang ang buhay niya kay Hugo, bukod sa marami itong bisyo ay babaero pa ito. Hindi lang naman siya ang babae nito marami pang iba at hindi niya kaya ang magbulag-bulagan at maging manhid. Hindi siya dalawin ng antok. Pilit siyang umiisip ng paraan para hindi maikasal kay Hugo. Malaking pera ang kailangan ng kaniyang ama at hindi niya alam kung saan kukuha para maisalba ang kanilang mga kabuhayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD