"Sir, may bulutong po ako!" "What?" gulat na tanong ni Marcus kay Betty. Nasa sala siya at nanunuod ng tv nang bigla itong sumulpot sa harapan niya kaya naman nagulat siya.Napatuwid siya ng upo at salubong ang makapal na kilay na tininapunan niya ng tingin ang yaya ni Liam. "What did you just say?" tanong ulit niya hindi kasi niya naintindihan ang sinabi nito. "Mukhang may bulutong ako, Sir. May mga tumutubong butlig na nagtutubig sa katawan ko." "What is bulutong?" tanong naman ni Marcus, nangunot ang noo niya at pilit iniisip kung ano ba ang bulutong na sinasabi ni Betty? "Bulutong, Sir, in english... Huh! Ano nga ba 'yon sa english?" tanong nito sa sarili, tumingala pa at tumingin sa kisame na para bang doon niya makikita ang sagot sa sarili niyang tanong. "Ay, Sir, paki-search na