"Oh, Liam my dear, I'm so sorry about what happened earlier. It's a natural reaction ng mga taong ngugulat. I hope you understand. Please, let's forget about it, okay? How are you, sweetheart?" masuyong tanong ni Charlene. "By the way I am your Tita Charlene, I'm your daddy's friend," pagpapakilala nito sa sarili. Nang malaman nito buhat kay John na si Liam pala ay anak ni Marcus ay mabilis na nagbago ang pakikitungo nito sa bata at iyon ang ipinagtaka ni Liam. Masungit ang dating ni Charlene sa kaniya, ngayon naman ay para bang anghel ito sa bait. Kung kanina ay masama ito kung makatingin sa kaniya ngayon naman ay maganda ang pagkakangiti nito. Kahit bata siya ay mas pinaniwalaan niya ang unang ugali na ipinakita nito sa kaniya. Kahit anong pagpapakabait at pagiging sweet ng boses ni Ch