"Dito ka matutulog, ako dun sa taas," itinuro ni Dina ang double deck na higaan. May nakahiwalay na bahay ang mga kasambahay ni Marcus. Sa isang bahay ay sama-sama sila roon. Bawat isang silid ay dalawa ang umuukopa. Ang mga lalaki ay sa iba naman natutulog, may pinto-pintong kwarto sila. Katapat lang ng bahay ng mga babaeng kasambahay. "Tatlo ang banyo rito kaya hindi tayo mag-aagawan, basta agahan mo lang gumising, kung gusto mong maligo. Meron tayong sariling washing machine, schedule lang ang paglalaba. Sa sabon, shampoo at toothpaste naman ay kani-kaniya tayo," paliwanag ni Dina. "Huh! Saan ba may tindahan dito, wala kasi akong dalang pang personal hygiene?" "Personal hygiene! Wow sosyal!" bulalas ni Dina sabay tawa. Nangunot ang noo ni Selena. "Anong nakakatawa, 'di ba kasama