"Liam, ito si Selena ang bago mong yaya," pagpapakilala ni Dina kay Selena. "Hi Liam," magiliw na bati ni Selena sa kaniyang magiging alaga. Nakatingin lang sa kaniya ang bata, wala itong kakilos-kilos. "Liam, hindi mo ba babatiin ang bago mong yaya?" tanong ni Dina. Pilyong ngumiti ang bata, lumapit ito kay Selena. "Hi Selena!" ganting bati nito. Inilahad ang kamay para makipag-shake hands. Napangiti na rin si Selena, tinanggap niya ang kamay nito. Sa tingin niya ay mabait naman na bata si Liam, taliwas sa sinasabi ni Dina. Napakagwapo pa nito, manang-mana sa kaniyang ama, para itong maliit na Marcus. Habang nakikipagkamay siya rito ay hindi niya napansin ang pag-smirk ng bata. Nagulat na lamang siya ng may maramdaman siya na para bang mabalahibo na magaspang at matinik. Tiningnan