Ang bilis lumipas ng panahon, akalain mo mahigit isang taon ko nang kasama si Mico. Sa loob ng mahigit isang taong iyon ay himalang di pa ako nalaspag at nagmukhang losyang. Buti nalang talaga at sinunod ko iyong suggestion ng ka-partner ko sa sideline kong photography na si Zoe na hanggang sa di pa daw malinaw ang pinagmulan nitong gwapong natagpuan ko ay mag-birth control daw muna ako para di magbunga ang pananamantala ko sa kahinaan ni Mico. Lokang babae pero tama naman siya. Mahirap na baka bigla kaming magkaroon ng little Mico tiyak pipilitin kaming ipakasal ni Lolo. Speaking of Lolo ay regular niya akong kinukumusta about kay Mico. Sa loob ng ilang pagkakataong pakikipagkita namin ni Mico kay Lolo ay naging safe ang sekreto namin. Wala talagang idea si Lolo na may konting probl