Chapter Thirty-four Busy? Sa trabaho o roon sa babaeng gusto siyang maging dinner? I mean, gusto siyang isamang mag-dinner? What if nanawa na siya sa akin dahil nakuha na n'ya ang gusto n'ya? What if hindi na n'ya ituloy ang tulong n'ya kay papa? Iyon ang laman ng isipan ko habang mag-isa sa kwarto. Hapon na ng sabado. Mukhang hindi talaga uuwi ang lalaki. Napatitig ako sa CCTV. Bahagya kasing gumalaw iyon nang lumabas ako patungo sa kama. Pinapanood n'ya ako. Iyon ang tiyak ko. Busy? Pwede ko namang i-check kung busy talaga ito, at kung nanawa na ito sa akin. Nagpasya akong lumapit sa pinto ng silid. In-lock ko iyon. In-double check ko pa para sigurado. Saka ako bumalik sa kama, at isa-isa nang inaalis ang saplot sa katawan ko. Sinalpak ko rin ang ear pods sa tenga ko at in-of