61

2004 Words

Chapter Sixty-one Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon... nakita ko ulit siya. Nakita ko ulit ang lalaking nagmay-ari ng puso ko sa loob ng ilang taon, kahit pa malayo ako. Napatulala agad ako habang nakatitig sa entablado. Habang nagsasalita ito. "Salamat sa mainit na pagtanggap sa akin dito sa bayan ng Santa Catalina." Naramdaman ko ang paghawak ni Top sa kamay ko't hinila ako. "Yuko ka, Coby. Tago mo ang face mo sa leeg ni papa." Dinig kong bulong ni Coby. "Bakit, papa?" bulong din ng anak ko habang hinihila ako ni Top paalis ng plaza. "Just do it, anak." Utos ni Top sa bata. Tiyak kong nararamdaman ni Top ang panlalamig ng kamay ko. Pero dahil siksikan lalo na sa paglabas ng plaza. Nabitawan ako ni Top. Nang tumingin ito sa akin at sinubukang abutin ay sumenyas na lang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD