When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter Ten "Governor Andreras!" malakas kong sigaw. Kinalampag ko pa ang gate para lang makuha ko ang atensyon ng mga tao sa loob. "Miss, ano ba? Nakakaistorbo ka na. Pabalik-balik ka na lang dito kahit wala ka namang napapala. Umalis ka na rito. Hindi ka kakausapin ng gobernador." Taboy ng guard sa akin. Pero umiling ako. Determinadong makaharap ngayon ang gobernador. Gobernador siya, baka rin may maitulong siya para mailabas si papa. Tama, hindi na lang iyong pakiusap ko na huwag na siyang makisali sa kaso ng papa ko. Isa na ring nais ko ay matulungan n'ya kami na mailabas si papa. "Ilabas n'yo ang gobernador. Saglit lang po. Please, kakausapin ko lang siya. Gov! Gov! Mag-usap tayo kahit saglit lang. Tulungan mo naman kami. Parang awa mo na. Maawa ka sa papa ko, gov." Hiyaw ko.