Chapter Eleven "Ibibigay ko ang gusto mo. Katawan ko? Sige. Pero tulungan mo ang papa ko." Nanunuot sa kalamnan ko ang lamig. Bahagyang nanginginig din ang aking tuhod, at medyo naninikip ang dibdib dahil sa matinding ginaw. Para ring naka-aircon ang sala nito kahit na mukhang hindi naman. "It's illegal, pero kaya kong gawin." Napatitig ako rito. "Pero hindi matatapos sa isang gabi lang ang usapan na ito, Lucinda." Pinagdidiinan ang nais nitong ipunto. "A-lam ko. W-illing akong gawin." Para kay papa. Kahit pa makipagkasundo ako sa isang demonyong mapagsamantala ng sitwasyon ay gagawin ko. "Good answer. Pero oras na kumilos na ako para sa ama mo'y hindi mo na siya makikita." Parang bombang sumabog iyon sa pandinig ko. Kaya ko ito ginagawa ay para makasama ko ang papa ko. "What? Bakit?"