Chapter 22 “Beshy boop, bakit kanina ka pa tulala?” Ziah looked back at her friend, Gracy. Naglalakad sila papunta sa kotse niya at ihahatid ang kaibigan sa tinutuluyan nitong apartment. Off na nila at may kadiliman na pero maliwanag pa rin sa paligid ng ospital dahil sa mga pailaw. “H-Ha?” nakapa niya ang pisngi. Tulala ba siya? Natawa nang mahina si Gracy at umiling-iling, “Ikaw nga ay umamin, sister. Are you in love?” ipinagsiklop nito ang mga braso sa dibdib at makahulugan siyang tinitingnan. In love? Agad na nanulis ang mga labi niya, “H-Hindi ah. Alam mo naman na magmamadre ako, di ba? Saka kanino naman ako mai-in love?” “Dun sa lalaking kinuwento mo sa amin.” Napanganga kaagad siya pero umiling, “H-Hindi. He’s just a friend and he already left." But he’s back. Susko,