Chapter 21 Diyos ko. Halos mausal iyon nang malakas ni Ziah nang makailang ulit sa isip pagkatapos niyang mag-assist sa isang matandang inatake ng high blood, na ni-revive ng ate Wilma niya. Iyon ang unang araw niya sa emergency room pero anong biyaya naman ng langit na sinubok kaagad ang tapang niya? Salamat po. Pahid niya ang gatla-gatlang pawis sa noo gamit ang tissue, habang nakaharap sa salamin. Nasa loob siya ng comfort room at nagpapalipas ng pagod. Naihi na yata siya dahil sa nerbyos. Naiiyak na siya nang makita ang nag-aagaw buhay na matandang ipinasok sa ER, na ngayon ay nasa ICU na. Lumabas siya sa banyo makalipas ang ilang sandali pa. Hindi siya roon pwedeng tumira habambuhay. Pumasok siya ulit sa ER at nakangisi ang mga kasamahan niya roon, lalo si Wilma nang makita