Chapter 10 Maayos ang naging pagpaalam ni Ziah kay Black. Tahimik iyon na nakinig habang nakayuko, parang gusto na naman na sumama sa kanya pero napakiusapan naman niya na lalabas siya ng hacienda. That big guy is becoming so clingy. Mabuti na lamang at nakinig iyon sa kanya at tumango nang sabihin niyang hintayin na lamang siya sa bahay. Nakarating siya sa presinto at bumaba kaagad sa kotse niya pero napansin niya ang sasakyan ng dalawa pa niyang nakatatandang kapatid. What is this? A siblings’ reunion? She shook her head and went straight to the station. “Good afternoon!” bati niya sa nasa information desk na pulis. Ngumiti iyon sa kanya at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang ganda talaga ni sister kahit parating nakapalda,” bati ng lalaki na sa pagkakaalam n