Parehong nakatayo si Alice at Kleinton sa harapan ng judge. Kahit si Alice ay hindi makapaniwala dahil sa biglaan niyang pagpapakasal kay Kleinton. Ganun din si Kleinton, waallaa siyang balak na pakasalan si Alice, tanging dinadala lang ni Alice ang inaalala niya. Pero anong magagawa niya kung mayroong nakatutok na baril sa tagiliran niya para lang marinig mula sa kaniyang bibig ang Oo, na hinnihintay ng mga nakakatandang kapatid ni Alice. Biglaan ang kasal, kinaumagahan ng gabing may mangyari sa kanila ni Alice. Kaagad siyang pinigilan ng mga kapatid ni Alice na umuwi hangga't hindi niya napapakasalan ang kapatid ng mga ito. Sa kaniyang tabi, si Arnel, pasimpleng nakatutok ang hawak na baril nito sa kaniyang tagiliran. Hindi siya nakaangal pa. Sa harap naman niya ay ang babaeng pa