Alice De Rusi "Huwat!" Tinakpan ko kaagad ang aking tenga dahil sa lakas ng boses ni Bettina. Napasigaw ba naman bigla at malapit pa sa aking tenga. Nasabi ko lang naman sa kaniya na kinasal na kami ni Kleinton at hindi siya makapaniwala. Halos bumaon na ang kuko niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ito nagkakaganito? Para namang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko sa kaniya. Ayaw niya kasing maniwala. "Hindi ka ba nagbibiro, bestie? Bakit naman sa kasal mo wala ako? Ako yung bestfriend mo. Pero ako yung wala sa kasal mo. Nakakapagtampo." Napanguso naman ito. At nagtampo na nga. Nasa fast food na jollibee kami ngayon, hindi ako pumasok. Paano ba naman kagabi, umalis si Kleinton na hindi man lang nagpaalam. Mag-isa akong natulog sa kama niya kagabi. At kaninang umaga naman