Jessa's POV "Hi, Jess. Puwedeng makiupo?" tanong ni Ycos sabay tingin sa bakanteng upuan katabi niya. "S-Sure..." natotoreteng aniya. Pinagpagan pa niya ang katabing upuan para dito. Break niya sa isang subject. Hindi niya kasama si Mina kaya mag-isa na lang siyang nagtungo sa canteen. Wala siyang almusal dahil tanghali na siya nagising. Agad na siyang naligo at nagbihis. Ginigising niya si Xyrius pero dumapa lang ito at sumubsob sa unan. Hinayaan niya na ito dahil naalala niyang may exam siya sa isa niyang subject. Wala siyang almusal at hindi rin siya nakapag hapunan kagabi. Ngayon lang siya nagkabakanteng oras kaya dumiretso na siya dito sa canteen. "Thank you..." anito at naupo sa tabi niya. Ito ang unang beses na nakatabi niya si Ycos. Matagal na niya itong crush at lihim na si