Prologue
NAPALINGON si Jessa sa wall to ceiling na glass window sa gilid niya. Tanaw mula roon ang karagatan. Ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Ang magkahalong kahel at pulang kulay nang papalubog na araw, pati na ang mga ibong lumilipad sa kalangitan.
It's calming and beautiful.
Pero hindi niya magawang i-appriciate ang nakikita.
Dahil may malaki siyang problema!
Nagising siya sa isang silid na hindi niya alam kung kanino, at kung saan siya naroroon. Hindi niya natandaan na nag-outing sila! Ang huling naaalala niya ay bumibili lang siya sa 7/Eleven ng siopao nang biglang may lumapit sa kanyang dalawang lalaking naka-bonet na itim at sapilitang isinakay sa isang van.
Nanlaban siya. Nanipa, nangalmot at nanabunot pero biglang may pinaamoy sa kanya na napakabahong chemical kaya nawalan siya ng malay.
Paggising niya, nandito na siya.
Narinig niyang gumalaw ang seradura ng pintuan. Agad siyang sumiksik sa headboard ng kama. Bumukas iyon at lumitaw ang lalaking may dalang tray ng umuusok na pagkain.
Nakasuot ito ng board short at polo na nakabukas ang lahat ng butones kaya naman kitang-kita ang malapad at matipunong dibdib nito. Bumaba ang tingin niya sa mga pandesal nitong kay sarap dilaan-- ay mali mali erase.
Hindi niya dapat pagpantasyahan ang lalaking ito kahit pa saksakan ng sarap ang katawan nito at tila nangangako ng walang hanggang ligaya!
Ay sheyt!
Pinilit niyang iniangat ang paningin sa mukha nito. Biglang kumulo ang dugo niya nang makita ang nakangising labi nito.
Mukha talagang demonyo!
Pero mukha man itong demonyo panigurado namang sasambahin mo ang katawan nito. Pumasok ito ng tuluyan at akmang hahakbang papalapit sa kanya nang batuhin niya ito ng unan. Mabilis itong umilag pero dahil sa ginawa nitong pag-ilag natapon ang laman ng tray na hawak nito.
"Fuucckk!!" malakas na sigaw nito na halos magpayanig sa buong silid.
Nakagat niya nang mariin ang labi niya. Agad niyang pinagsisisihan ang kagagahang ginawa lalo na nang makita niyang tuluyan nang nag-transform ito sa pagiging halimaw. Nanlilisik ang mga mata nito habang humihingal na parang galing sa marathon. Kulang na lang may lumabas na usok sa ilong nito at papasa na itong toro na gustong manuwag.
Humakbang ito papalapit sa kanya. Umangat naman ang puwitan niya. Pinalagutok pa nito ang leeg at muling humakbang ng isa pa. Tumalon na siya sa sahig mula sa kama.
Katapusan na niya! Paniguradong hindi siya nito bubuhayin base sa nakikita niyang galit sa mga mata nito.
Wala siyang tatakbuhan! Kahit saan siya pumaling nang takbo paniguradong mahahabol siya nito.
Napatingin siya sa glass window tapos sa lalaking galit na papalapit na sa kanya tapos sa glass window uli.
Hindi ako papahuli ng buhay! sigaw niya sa isip. Kaya naman ng ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya ay walang pagdadalawang isip siyang tumakbo at ibinangga ang katawan sa glass window.
Ilang sandali pa... bumulagta siya sa sahig at nakakita siya ng mga bituin na kumikislap sa kanyang paningin!
Hindi pala niya kaya ang glass window!
Bakit sa mga movie ang dali lang nababasag ng mga lintik na glass window kapag binubunggo ng mga bida? Bakit siya bukol lang ang natamo at sakit ng katawan?
"Ginagawamue?" nakakalokong tanong nito habang nakatunghay sa kanya.
Gustong-gusto niyang kalmutin ang mukha nito pero unti-unti nang nagdidilim ang paningin niya.
"Wag ka nang tumakas dahil hindi ko hinahayaang mawala ang mga pag-aari ko, p***y doll..." narinig niyang sabi pa nito bago siya tuluyang lamunin ng dilim.