Jessa's POV NANGINGINIG ang buong katawan niya sa narinig. Hindi na nga niya namalayan ang pag-alalay sa kanya ni Xyrius. "A-Ano?" ulit na tanong niya sa Tiyahin na ngayon ay puro hagulgol na lang ang naririnig niya. "Tita, kumalma ka muna... A-anong nangyari kay Papa?" mahinahong tanong niya sa Tita niya. Hindi niya malalaman ang nangyari sa Papa niya kung makikipagsabayan siya nang pagiging emosyonal dito. Kailangan niyang tatagan ang loob niya para maging buo ang isip niya. "Galing kami sa aplaya... tapos... t-tapos--" kahit paputol-putol at sisinghot-singhot ay naikuwento naman nito ng nangyari. Galing daw sa aplaya ang mga ito. Nabanggit na sa kanya ng Papa niya na nahihilig itong sumama sa pangingisda. May dumating daw na bangkang de motor. Mga kalalakihang may dalang baril. Na