Jessa's POV MALAKING initial ng AB na napapaloob sa malaking bilog na nagsisilbing helipad ng naturang gusali ang nakita niya habang pababa ang helicopter na kinalulunanan nila. Nasa Ilocos na sila. Alas-singko na ng umaga at unti-unti ng sumisilip ang haring araw. Nakakatulala ang tanawan sa ibaba. Napakaganda at hindi niya mapigilang hangaan. Bata pa siya nang makarating siya ng Ilocos, summer iyon at nasa elementary pa siya. Hindi na nga niya masyadong tanda iyon. Inalalayan siya ni Xyrius pababa ng helicopter. Malakas ang hangin dahil sa elisi. Hawak-hawak niya buhok niya dahil tumatabing iyon sa mukha niya. "You look like a breeze, doll..." anas ni Xyrius na matamang nakatingin sa kaya. "Mukha akong hamog?" nakataas ang kilay na tanong dito. Humalakhak ito na halatang ik