Halos magbuga ng apoy ni Marquez habang nakatingin sa akin. Tila hindi ito naniniwala sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Ako naman ay ilang beses ding napalunok at tudo dasal din ako na sana ay maniwal ito sa akin. Medyo naramdaman ko rin ang pagluwag nang pagkakahawak nito sa aking pulsuhan kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon para tuluyan akong makawala sa lalaking pusit. Nang mabitawan ako ni Marquez ay nagmamadali na akong pumunta sa loob ng kwartong nakalaan sa akin. “Medina!” malakas na sigaw ni Marquez sa akin. Ngunit hindi ko ito pinansin. Mabilis kong ini-lock ang pinto ng kwarto. Abot-abot naman ang paghinga ko ng mga oras na ito. Nahila ko rin ang aking buhok ng ilang beses dahil kamuntik na akong makalimot. Mabuti na lang talaga at bumalik sa tamang katinuan ang utak k