Nakataas pa ang kilay ko habang nakatingin sa lalaki. Ngunit napansin kong seryoso itong nakatitig sa mukha ko. Hanggang sa dahan-dahan din nitong inilapit ang mukha niya sa akin. “Sure ka bang gusto mong malaman kung virgin pa ako, Medina…?” pabulong na tanong sa akin ni Josh. Ngunit nasa pananalita nito ang parang inaakit ako. ako naman ay hindi muna nagsalita ngunit mataman kong tinitigan ang mukha ni Pusit at doon ko nakitang may kakaiba sa mukha nito. Parang may nais yata itong gawin sa akin na hindi ko alam kung ano? “Hu-Huwag mo na lang sagutin ang mga tanong ko sa ‘yo dahil alam ko na ang isasagot mo sa akin, Marquez.” Sabay iwas ng tingin sa lalaki at pinagtunan ko na lang ng pansin ang mga bote ng alak na nasa aking harapan. Medyo lumayo rin ako sa lalaki dahil natatakot ako